Susie san: Japayuki
October 6, 2003 | 12:00am
Ika-47 Labas - (Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
KUNG hihilingin ni Toshi ang pagkababae ko sa pagkakataong iyon, ibibigay ko sa kanya nang walang katutol-tutol. Sasama ako sa kanya kahit saan. Handa na ako kahit na ano pa ang mangyari. Ngayon pa na nakita ko ang katapatan ng kanyang pagmamahal sa akin.
Pero hindi ganoon ang nangyari. Si Toshi ay hindi katulad ng ibang lalaki na mapagsamantala at sex agad ang hangad sa babae. Ibang klase si Toshi.
Isinama niya ako sa kanilang bahay. Si Toshi ay isang yamome (biyudo) at may dalawang anak na musuko (lalaki). Ipinakilala niya ako sa mga ito. Ganoon din sa kanyang ototo at imoto (kapatid na lalaki at babae).
Feeling ko, tanggap ako ng mga kaanak. Hindi ko nadama ang ganoong klase ng pagpapahalaga nang dalhin ako ni Roy sa kanila noon. Naalala ko pa nang harap-harapan ay magbangay si Roy at ang kapatid nitong lalaki at ganoon din ang hipag na pati ako ay inaway.
Sa piling ni Toshi ay kakaiba ang nadama ko. Mainit ang pagtanggap sa akin. Paano ko pa tatanggihan ang kanyang alok sa pagkakataong iyon?
Tama nga ang sabi ni Au, kung pipili ng lalaking Hapones ay huwag kabataan kundi yung may mga edad na. Kapag kabataan ang pinili, parang inihulog na ang sarili sa hukay. Sa kaso ko kay Toshi, talaga namang may nadarama ako sa kanya kaya tuluyan na akong bumigay.
Magpapakasal daw kami. Kasal sa Japan at pag-uwi sa Pilipinas ay magpapakasal uli. Para akong nananaginip pero iyon ang katotohanan.
Ang hindi ko malilimutan na nagpatibay sa pagmamahalan namin ni Toshi ay nang tulungan ako sa pagpapagamot kay Trina na nagkasakit nang malubha at kailangan ng pampaospital. Kasunod ay ang pagbibigay niya sa akin ng perang pambili ng dyipning pangarap ni Itay.
Ganoon kabait si Toshi.
Si Roy? Hindi ko na inintindi pa kung ano ang maging reaksiyon niya sakali at malaman ang gagawin kong pagpapakasal kay Toshi. - (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am