^

True Confessions

Susie san:Japayuki (Ika-41 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)

MGA matang nanlilisik ni Roy ang nakita ko nang bumalik ako mula kina Itay. Inaasahan ko na iyon. Malalaman niya na itinakas ko si Trina.

"Tang ina ka, ba’t dinala mo si Trina!" sigaw ni Roy na dinuduro ako.

"Hindi mo siya inaalagaan. Addict ka!"

Sinampal ako. Hindi nagkasya, sinuntok ako sa braso.

"Walanghiya ka!" sigaw ko. Lumaban na ako. Nahagilap ko ang walis tambo at inihampas sa kanya. Pero walang saysay ang pagpalo ko. Hindi ininda. Naagaw ang walis tambo at iyon ang ipinanghampas sa akin. Sapol ako sa mukha. Ang ikalawang hampas ay sa tagiliran ko tumama. Umakma akong tatakbo sa kusina para kunin ang bread knife pero naiharang ang katawan at sinuntok pa ako sa sikmura. Napaupo ako. Masakit. Para akong binagsakan ng bato sa sikmura.

Addict na nga si Roy. Masyadong bayolente. Naalala ko ang sinabi ng isang police officer nang dumalo ako sa drug seminar noong nasa high school pa ako. Ang nagwawalang drug addict ay hindi dapat pakitaan ng ganting bayolente rin kundi dapat ay pakiusapan. Daanin sa maayos na paraan. Mahinahon ang dapat pakikipag-usap sapagkat maaaring gumawa pa ito ng matinding aksiyon. Maaaring mang-hostage na at pumatay. Wala na kasing naiisip ang isang drug addict kundi kalaban na niya ang mundo. Nag-iisa na siya at patapon ang buhay.

Hindi na ako lumaban o nagsalita nang laban kay Roy. Tiniis ko ang sakit nang ibinigay niyang suntok at palo sa akin. Naging kalmado ako. Pinilit kong huwag mag-react sa mga gagawin.

Makaraan ay naupo sa isang sulok si Roy. Para bang bata na nagsisisi sa mga nagawang kasalanan. Hindi ako kumikilos. Kung lalabas agad ako ng bahay maaaring maghinala. Kailangang pakalmahin ko muna bago ako gumawa ng hakbang na makalabas ng bahay.

Narinig ko ang paghagulgol ni Roy. Parang bata na umiyak.

(Itutuloy)

AKO

DAANIN

INAASAHAN

ITUTULOY

KAILANGANG

LUMABAN

MAAARING

MAHINAHON

MAKARAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with