Susie san: Japayuki
September 22, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
KUNG titingnan, mas nakakaangat ako sa ibang talent na nag-apply sa ahensiyang iyon. Hindi naman sa pagmamayabang, mas maganda at mas makurba ang katawan ko kaysa sa kanila. Hindi napinsala ng panganganak ang aking pigura. Napuna ng isang kasamahang aplikante kung bakit daw sanay na sanay na ako at ang bawat kilos ko ay nasa tiyempo bukod pa sa may tiwala ako sa sarili.
"Nanggaling na kasi ako sa Japan," sagot ko.
"Ah kaya pala," sabi, "Dalaga ka pa ba?"
"Ano sa tingin mo?"
"Dalaga pa."
Napahagikgik ako.
"Me asawa na ako, sister."
"Hindi halata. Ang ganda ng katawan mo."
"Hindi pa gasgas ang keps " bumungisngis pa ako.
"Totoo ba na hindi naman kailangang maging maganda ka kapag entertainer sa Japan?" tanong na parang nangangamba ng kausap ko.
"Oo pero mas bentahe yung me itsura ka. Kasi yung mukha mo at katawan ang nakikita," sagot ko.
"Ah,"
"Tsaka sisilipin din ng Hapones na may-ari ng club yang tinatago mo. Anong ipakikita mo? Kaya kailangan medyo makinis."
"Patay na ako!"
"Huwag kang mawalan ng pag-asa," pampalakas ng loob na sabi ko.
Hindi ko na nakita ang kasamahan kong talent mula noon.
Madali akong nakabalik sa Japan pero hindi bilang mananayaw kundi isang singer. Nang makaharap ko ang may-aring Hapones, pinakanta ako at iyon na ang simula para pagtuunan ko ng pansin ang aking nakatagong talento sa pagkanta. Hindi ko alam doon pala ako magtatagumpay. Doon pala ako makakaakit ng matandang Hapones na magbibigay sa akin ng mga bagay na nakadrowing sa pangarap. Dyipni ni Itay, pagpapaaral kay Tony at sariling bahay at lupa at mga gamit na noon pa hinihiling ni Roy. Bagay na naging dahilan para tuluyan na siyang maging batugan at malulong sa bisyo.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended