Susie san: Japayuki (Ika-32 labas)

(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)

SA muli kong pag-aapply na iyon natuklasan ang nakatagong talento sa pag-awit. Hindi lamang pala husay sa pagsasayaw ang ibubuga ko kundi may maganda rin akong boses na isa sa mga mapapakinabangan at mapagkakaperahan sa bansang tulad ng Japan kung saan ang nightlife ay bahagi na ng buhay doon.

Sa tulong na rin ni Au kaya ako nakapag-apply. Ang ahensiyang sinabi niya ang aking pinag-aplayan. Subok na sa pagdadala ng mga entertainers sa Japan at walang mga kuskos balungos sa pag-aasikaso ng mga papeles.

Noong una ay nagkaroon ako ng takot na baka hindi makapasa sa mga isasagawang pag-test sa kakayahan ko sapagkat mayroon na akong anak. Isa pa matagal na akong nabakante. Pero kapag pala matindi ang hangarin mong umasenso at matakasan ang kahirapan ng buhay, makakayang harapin nang taas-noo ang lahat.

"Dalagang-dalaga ka na naman," sabi ni Roy nang umagang paalis ako para magtungo sa ahensiya. Hapit na pantalong maong at sleeveless na blusa ang suot ko. Naniningkit ang mga mata nito na parang naglalaway sa katawan ko. Nasulyapan ko ang aming anak na nasa crib, payapang natutulog.

"Hindi ba halatang may anak na ko?"

"Hindi. Parang virgin ka pa nga e," sabi at lumapit sa akin at dinama ang dibdib ko.

"O, nalilibugan ka na naman."

"Ang ganda mo kasi."

"Ma-"L"! Gusto mo magpabuntis uli ako sa iyo?"

Napatigil sa ginagawang paghimas sa dibdib ko. Bumitaw at naupo sa bangko.

"Kailan ka raw makakaalis?"

"Di ko alam."

"Paghusayan mo."

Biglang nagising ang anak naming si Trina.

"’Yang anak mo."

Inuguy-ugoy ang krib para malibang si Trina. Pero patuloy sa pag-iyak.

"Damputin mo na."

"Istorbo naman oo."

"Gusto mo huwag na akong umalis at ako na lang mag-aalaga sa kanya?"

Dinampot nito si Trina.

(Itutuloy)

Show comments