Sa tantiya ni Inay may dalawampung minuto siyang tumakbo o mahigit pa bago tumigil. Napalugmok siya sa dakong iyon ng disyerto na tanging ang mga bituin sa langit ang nakatanglaw at nakasaksi sa ginawa niyang pagtakas sa manyak na Pakistang drayber. Abut-abot ang kanyang paghinga.
Saka pa lamang niyang nagawang lingunin ang pinanggalingan. Walang sumusunod sa kanya. Natakasan niya ang manyak na driver. Nakahinga siya ng maluwag.
Ibinagsak niya ang katawan sa lupa. Iniunat ang katawan. Masarap ang pakiramdam. Bahala na kung ano ang susunod. Naidlip si Inay dahil sa matinding pagod at hirap. Nalimutan sandali ang mga pinagdaanang hirap at kasawian.
"Filibin taal!"
Ang mga salitang iyon ang nagpagising kay Inay. (Itutuloy)