Maria Soledad (Ika-20 labas)

(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

WALA nang magagawa si Inay kundi ipagpatuloy ang pag-alis. Kahit kinakabahan sa itsura ng Pakistaning taxi driver, sumakay si Inay sa taxi. Bahala na.

"Aina nazhab?"
tanong ng driver. Balbas sarado ito at kahit na medyo maayos ang suot, nalanghap niya ang masamang amoy ng katawan. Humalo sa malamig na ibinubuga ng aircon.

"Khozni elal
Philippine Embassy," sagot niya.

"Aina embassy filibin?"


Saan daw ang embassy. Hindi rin niya alam kung saan iyon. Hindi rin naman siya laging lumalabas sa bahay at kung lumalabas, sa Batha lamang at sa "motel" na pinagdadalhan sa kanya ni Mohammed sa may bahaging disyerto. Naalala niya, sinabi ni Mohammed na malapit na sa lugar na iyon ang Philippine Embassy. Pero maski ang motel na pinagdadalhan sa kanya ay hindi matandaan ni Inay.

"Ma adri."
(Hindi ko rin alam.)

"Jadid?"
(Bago ka rito sa Saudi?)

"La."


Pinasibad ng driver ang taxi. Nakikita ni Inay na sumusulyap sa kanya ang driver. Sinulyapan ni Inay ang kanyang relo. Mag-aalas dose na ng hatinggabi. Mahirap ang kanyang nasuutan. Wala siyang ideya kung saan sila pupunta. At sa pakiramdam ni Inay, nagtatanga-tangahan din ang Pakistani.

Lalong kinabahan si Inay nang tumigil ang taxi sa isang lugar na bagamat may mga ilaw sa poste ay wala namang mga bahay. Akala niya’y nasiraan sila pero hindi naman sapagkat umaandar ang taxi. Nanatili sa pagkakaupo ang driver. Kung nasira, siyempre bababa ang driver. Pero hindi. Walang katinag-tinag sa pagkakaupo.

"Ma ma na dak?"
(Anong ibig sabihin nito?)

Hindi umimik ang driver. Nakatingin lamang sa kanya.

"Ma hada?" tanong muli niya sa driver.

Saka kumilos ang driver nakangiti na idinutdot ang hintuturo sa upuan ng taxi. Alam ni Inay ang kahulugan niyon. Mag-sex daw sila! Nakita ni Inay na parang hayok ang Pakistani. Parang manyak na noon lamang nakakita ng babae.

"Esmali li,"
sabi pa ng Pakistaning manyak. Sige na raw.

Pero hindi nasira ang loob ni Inay. Mabilis na nabuksan ang pinto ng taxi at kumaskas ng takbo. Walang patlang. Sa gitna ng disyerto dumaan para hindi makasunod ang taxi. Nadapa siya ng ilang beses. Bangon. Takbo uli. (Itutuloy)

Show comments