Koronang tinik (Ika-97 Labas)
April 7, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong.)
"E di bat may trabaho ka na?"
"Nag-resign na ako. Masyadong maliit ang suweldo," nagsinungaling na ako. Hindi ko maaaring sabihin na kaya ako nag-resign ay sapagkat na-pressure sa eskandalong likha ni Chona. Hindi naman alam ni Ate na nagsasama na kami ni Chona.
"Iyan nga ba ang sinabi ko sa iyo noon pa. Maliit talaga ang suweldo ng teacher. Kailangan pang magtinda ng tocino at longanisa para madagdagan ang kita."
Hindi ako nagsalita. Ako ang humihingi kaya kailangang tahimik lamang.
"Kung nakinig ka sa akin, dapat nasa Hong Kong ka na o Italy. Kumikita ka na sana ng dollar ngayon. Mabuti roon at malayo, hindi na maaalala ang mga nangyari rito sa atin," sabi at nagpahiwatig ng sakit ng sugat ng kahapon.
"Mayroon naman akong ibang inaaplayan Ate. Baka mga ilang buwan din akong matatambay."
"Kung gusto mong mag-apply sa abroad, sabihin mo lamang at ako na ang gagastos sa placement fee."
Tumango lamang ako. Hindi naman nagbabago ang desisyon ko na huwag magtungo sa abroad. Mas gusto ko rito.
"Magkano bang kailangan mo ngayon?" pagkuway tanong ni Ate.
"Mga sampung libo Ate. Malaki ang utang ko sa bahay at sa koryente."
Hindi na ako kinuwestiyon.
"Wala akong cash. Check na lang."
"Sige Ate," nagdiwang na ang puso ko. Tagumpay ang plano. Maibibili ko na ng damit at alahas si Chona.
Nang dumating ako sa bahay ay maayos ang lahat. Malinis. Nakapagluto na si Chona. Para bang sorpresa rin sa akin. Alam niyang marami akong pera. Alam ko rin na paliligayahin niya ako. Siya na ang magkukusa para malunod kaming dalawa sa aming paraiso. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended