^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-84 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Konguwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

NAISIP ko, marahil ay nagrebelde na rin si Ate. Pumatol na kung sinong Poncio Pilato para ipakilala sa kanyang asawang si Rocky na hindi lamang siya ang marunong mangaliwa. Hindi ko alam kung maaawa o maiinis kay Ate. Sa pagkakataong iyon, hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Para pang hindi ako makapaniwala na siya nga ang nahuli kong nakikipag-sex sa isang lalaki sa sofa bed ng kanyang opisina. Ganoon na ba kababa si Ate at pumayag na makipag-sex sa loob ng opisina na maaaring makapaglagay sa kanila sa masamang sitwasyon. Paano kung ang nakahuli sa kanila ay ang kaopisina? O ang guwardiya? Pero sa isip ko, maaaring alam na ng guwardiya ang nangyayari sa loob sapagkat nang magtanong ako ng gabing iyon ay sinabing wala nang tao. Pumayag lamang ng sabihin kong kapatid ako. Nagkamali sina Ate sapagkat hindi nai-locked ang pinto dahil sa pagkasabik siguro.

"Kumusta na ang pag-aaplay mo sa trabaho?" tanong ni Ate na bahagya kong ikinagulat.

"Next week ko pa malalaman."

"Mag-aplay ka sa Canada."

"Ayaw ko Ate."

"Sa Hong Kong?"

"Ayaw kong mag-DH."

"Ang arte mo naman."

"Kapag walang nangyari sa pinag-aplayan ko, baka naman maipapasok mo ako sa opisina n’yo."

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Wala sa loob ko. Sa tanong kong iyon ay biglang nagbago ang mukha ni Ate. Matindi ang pagtutol.

"Hindi puwede sa amin. Bawal magpasok ng kapatid."

Hindi na ako nagpumilit. Alam ko, hindi nga maaari sapagkat mabubuking ko ang kanyang lihim. Malalantad ang isang katotohanan na siya man ay katulad din ni Inay. Tahimik pero nasa ilalim ang kulo. Kaya lamang mas naiintindihan ko ang kanyang kalagayan. Niloko siya ng kanyang asawa at maaaring nagrerebelde nga siya.

"Tandaan mo ang bilin ko sa’yo huwag kang pupunta sa opisina. Kung kailangan mo ng pera, dito ka na lang pumunta o tumawag ka sa akin at ako ang magdadala sa’yo." Mahigpit niyang sabi.

"Alam ko Ate. Hindi ko nalilimutan."

Nagpaalam na ako sa kanya. (Itutuloy)

AKO

ALAM

ATE

AYAW

GINA

HONG KONGUWENTONG

PONCIO PILATO

SA HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with