Koronang tinik (Ika-29 na labas)
January 29, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)
NAWALAN na ako ng paggalang kay Inay mula nang makita ko ang kahalayan nilang ginagawa ng aking bayaw. Tama ang aking hinala na ang mga pagbabago niyang ipinakita ay may malalim na dahilan. Mula sa kanyang pananamit, pag-aayos sa sarili at sa pananalita ay kitang-kita ang malaking pagbabago. Ang hindi ko matanggap ay ang pagbabago niya ng pakikitungo kay Tatay na para bang inutil na ito. Walang silbi. Walang pakinabang. Gusto kong isipin na matanda na nga siguro si Tatay. Wala nang ibubuga. Wala nang ikakaya lalo pa pagdating sa pangangailangang sekswal. Pero ayaw ko pa ring maniwala na magagawa nga ni Inay na lagyan ng koronang tinik si Tatay. Matutulis na tinik ang ibinaon nila sa ulo ni Tatay. Ipinutong ni Inay at ng walanghiya kong bayaw na si Rocky. Sa naghihimutok kong diwa, nakita ko ang malakas na halakhak ni Inay habang naghaharutan sila ni Rocky. Malala na ang problema sa aming bahay na dati ay tahimik at walang problema. Mayroon nang anay sa aming bahay. Unti-unti nang sinisira.
Nang una kong masaksihan ang kahalayan nina Inay at Rocky sa kuwarto, pakiramdam koy nagunaw na ang mundo. Sumaklob sa buo kong pagkatao. Hindi ko nga namalayan na nakalabas na ako ng gate, nakarating sa aming school at nakapasok sa aming classroom. Nawala ako sa sarili. Nang makaupo na, saka ako bumunghalit ng iyak. Ang aming gurong si Mrs. Cruz ang labis na nabahala. Tinanong ako kung ano ang nangyari. Hindi ako umimik. Paano ko sasabihin ang aking nasaksihan? Kakahiya. Malalaman ng buong bayan kapag nagsalita ako. Malalantad ang lihim. Kawawa ako. Mas kawawa si Tatay at si Ate.
"Napano ka ba talaga?" tanong na muli ni Mrs. Cruz.
"Wala po mam. Napagalitan kasi ako ni Tatay," pagsisinungaling ko.
Nasa mukha ni Mrs. Cruz ang pagtataka. Kilala kasi ni Mrs. Cruz si Tatay na isang mabait na ama. Walang kaaway at walang kibo. Mahirap paniwalaang magagalit sa akin.
"Kung masama ang pakiramdam mo, puwede ka nang umuwi Gina," sabi pa ni Mrs. Cruz nasa tinig ang pag-aalala.
"Okey na po ako Mam," sagot ko. Ayaw kong umuwi. Makikita ko sina Inay at Rocky. Baka hindi pa sila tapos sa ginagawa nilang kahalayan sa kuwarto. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended