^

True Confessions

Kapag mabuti ang ama ganoon din ang anak (Ika-71 labas)

- Ronnie M. Halos -
(True-to-life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile.)

HINDI nagtagumpay ang negosyanteng Intsik sa balak nitong pagbibigay ng pera kay Sapitula. Kakamut-kamot sa ulo ang Intsik. Hindi na ito nagpumilit na ibigay ang pera at nagpaalam na lamang. Nakita ni Sapitula sa sulok ng kanyang mga mata na nakatingin sa kanila ang dalawa niyang anak. Nasa mukha ng mga ito ang pagtataka sa pangyayari.

Hindi akalain ni Sapitula na ang nasaksihan ng dalawang anak na hindi niya pagtanggap ng pera sa negosyanteng Intsik ay ikukuwento ng mga ito nang buung-buo sa kanilang mommy. Narinig ni Sapitula ang pagkukuwento ng dalawang anak sa kanilang mommy nang hapong umuwi sila.

"Mommy andaming pera ng kaibigang Intsik ni Daddy. Ang kapal ng pera. Ibinibigay kay Daddy ngunit hindi tinanggap. Bakít hindi niya iyon tinanggap?"

"Hindi talaga tatanggapin ni Daddy sapagkat maaaring iyon ay suhol sa kanya. Kapag tinanggap niya iyon, hindi na makakatatanggi ang daddy mo sa anumang hilingin ng Intsik."

Napatangu-tango ang dalawang anak. Sa kanilang murang isipan ay naunawaan kung ano ang ibig sabihin ng kanilang mommy. Ang kanilang ama ay isang matapat na alagad ng batas na hindi maaaring suhulan ninuman.

Habang nakikinig sa mag-iina ay lihim na napapangiti si Sapitula. Nakadarama siya ng pagmamalaki sa sarili na naging halimbawa siya ng dalawang anak sa pagpapakita ng kabutihan at katapatan. Alam niya na nakaukit na sa isipan ng dalawang anak ang ipinakita niya at hindi na iyon mabubura pa. At alam din niya, gagayahin din siya ng dalawang anak sa paggawa ng mga ito ng kabutihan. Kung ano ang ginawa ng ama ay gagawin din ng anak. Kung mabuti ang ama magiging mabuti rin ang mga anak. (Itutuloy)

ALAM

ANAK

BAK

COMMANDING OFFICER

DALAWANG

HABANG

INTSIK

ROMULO E

SAPITULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with