Okey lang Ito san! (Ika-50 labas)
December 4, 2002 | 12:00am
True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile.
KUNG hindi sa kanyang mga propesor sa Adamson University na pawang mga abogado, hindi alam ni Sapitula kung paano ang gagawin para labanan ang mga kasong isinampa sa kanya ng "espiyang" nahuli niya. Walang bayad na ipinagtanggol siya nina Atty. Rodolfo Mapili, Atty. Calixto Ramos, Atty De Jesus, Atty. Reynaldo Alhambra at ang ngayoy Manila Judge Juan Nabong. Hindi siya iniwan ng mga ito. Ipinagtanggol siya nang walang bayad. Hindi katulad ng mataas na opisyal (director noon) ng Western Police District na walang pakialam sa kanyang mga tauhan. Walang malasakit at laging naninisi. Para bang tuwang-tuwa pa ang WPD director nang mairekomenda siya ng dismissal at ganoon din nang masuspinde ng 30 araw. Gayunman, tinanggap niya ang hamon. Bahagi iyon ng buhay niya bilang pulis.
Nanalo siya nang mag-apela sa RTC hinggil sa kasong arbitrary detention at ganoon din sa slight physical injuries. Ang 30 days suspension na lamang ang binuno niya. Habang suspendido, nagtrabaho siya sa establishment na pag-aari ng kanyang kaibigan.
Ang lahat nang iyon ay nangyari dahil sa kagagawan ng pinsan ni Dolly na isa ngang university propesor. Ang akalay nasa kanya ang kotseng Hyundai porke kaibigan niya si Ito san.
Nang muling bumalik si Ito san galing Japan ay sinabi niya rito masasaklap na pangyayari dahil sa kotseng Hyundai. Iiling-iling si Ito san. Nag-sorry sa mga naidulot na problema dahil sa pakikipagrelasyon kay Dolly. Okey lang, sabi niya kay Ito. Wala sa kanya iyon. Subalit hindi niya malimutan ang mukha ng university professor na hindi niya malaman kung bakit nagalit nang husto sa kanya at pinasubaybayan pa siya.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended