"Mafi muskila," sabi na naman ng hayok at isinuot ang puting salwal na animoy puruntong, pagkatapos ay t-shirt at ipinatong ang thob. Saka isinuot ang gutra.
"Hasanon," sabi at dinukot ang pitaka sa bulsa ng thob. Binigyan ako ng pera. Isang libong riyal. Walang ipinagkaiba sa dati nang ginagawa. Ipinatong sa ibabaw ng kama. Saka ay tangkang hawakan ako sa kamay. Iwinaksi ko.
"Yakfi," sabi ko.
Tumawa si Mayman. Tawang lalong nagpahapdi sa aking nararamdaman. Para bang sa kanya ang nangyari ay karaniwan na lamang. Na ang babae kapag may menstruation ay maaaring "gamitin" doon. Lalo pang lumakas ang tawa nang nakikitang nahihirapan ako.
"La tadh-hak," sabi ko. May taas na ang boses ko. Sabi koy huwag siyang tumawa. Hindi nakatatawa ang ginawa niya.
Tumigil sa pagtawa at dinampot ang pera at ibinagsak sa paanan ko. Sinabihan akong tumayo at ayusin na ang sarili dahil may pupuntahan siya.
"Ana mostajel," sabi pa sa akin. Bilisan ko raw.
Wala akong nagawa kundi pilitin ang sarili. Dinampot ko ang daster at panty at isinuot. Pagkatapos ay dinampot ko ang pera at sinilid sa bulsa ng daster. Kailangan ko iyon. Nakatingin sa akin ang hayok nang gawin ko iyon.
(Itutuloy)