True Confession ni Nelia, isang domestic helper sa HK: "Lihim na pag-uusap'
June 25, 2002 | 12:00am
Itinuro sa akin ni Rashid ang mahihirap na salita na mabilis kong naintindihan at lalo pa nga siyang humanga.
Hindi ko nga masalubong ang tingin ni Rashid. Ako na ang kusang nagbaba ng tingin sapagkat pakiramdam koy hinahalukay niya ang aking pagkatao. Para bang tingin na naghahanap pa ng kasagutan sa maraming tanong.
Ang paglalapit namin ni Rashid ay lihim sa kanyang mga magulang. Kapag nasa bahay sina Mr. and Mrs. Mayman ay hindi kami nag-uusap ni Rashid. Balewala lang. Para bang nagkaisa ang aming isipan ni Rashid na huwag nang ipaalam o ilihim na kung anuman ang aming paglalapit sa isat isa. Matalino si Rashid at marahil ay naabot ng isipan na ang pakikipag-usap sa babae (lalo pa nga at sa tulad kong isa lamang maid) ay mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang bansa. Haram daw iyon sa Saudi Arabia. Bawal na bawal. Iyon ay sa kabila na wala namang ginagawang masama kundi pakikipag-usap lamang.
Hindi ako kinakausap ni Rashid kapag nasa bahay ang kanyang waled at waledah (ama at ina) at madalas ay nasa kanyang kuwarto sa itaas. Kaya ang nangyayari ay sa paglabas niya sa school sa hapon dakong alas-tres kami nakapagkukuwentuhan. Kapag inaakala namin na darating na ang waled at waledah niya dakong alas-sais ng gabi ay maghihiwalay na kami sa pagkukuwentuhan. May pagkakataon na sa salas na kami ng kanilang bahay nagkukuwentuhan. Kung minsan ipinagyayabang pa ang mga nakuhang grado sa school. Matalino nga sapagkat mataas ang marka niya. Ipinagyabang pa rin sa akin na mahusay siyang football player. Ang football pala ang national game ng Saudi Arabia. (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended