Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong: 'Kaya kong magtiis' (Ikatlo sa Serye)
March 26, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches, Quezon City)
Palibhasay ang pagbubukid, pag-aalaga ng mga manok, baboy at pagma-mangga ang nakagisnang trabaho ng kanilang pamilya, napamahal kay Ka Asyong ang trabahong pagsasaka at naging daan upang ang kursong Agriculture ang kunin niya sa United Technical Institute. Naisip niyang dapat ay may sapat siyang kaalaman sa tamang pagsasaka na iaaplay niya sa minamantine nilang lupain na pag-aari ng mayayaman sa Novaliches. Ikinuwento ni Ka Asyong, na ang lugar ng Bagbag hanggang sa Balintawak noong unang panahon ay isang malawak na kabukiran. Bumubukal sa mga bukiring ito ang masaganang ani ng palay na kahit buong Metro Manila ay kayang suplayan ng bigas.
Ang pagsasaka, ayon kay Ka Asyong ang karaniwang ikinabubuhay ng mga taga-Novaliches ng panahong iyon. Pinagkukunan din ng ikabubuhay ang pag-aalaga ng mga mangga na saganang-sagana sa bahaging Fairview na kinatatayuan sa kasalukuyan ng SM at Robinsons mall. Ang mga lupaing kinatatamnan ng napakaraming puno ng mangga ay pag-aari ng mga mayayamang Jacinto family.
Nabuo ang balak ni Ka Asyong na makatapos ng Agriculture. Trabaho sa araw at pag-aaral sa gabi ang kanyang gagawin. Walang lakwatsa. Pinag-aralan niyang mabuti kung paano napauunlad ang bukirin sa pamamagitan ng mga makabagong pamamaraan. Kahit na nga bumibiyahe ang pinagkukunduktorang Halili Transit ay nagmememorya siya ng kanyang mga aralin. Hindi biro ang dinanas niya bago makatapos ng Agriculture. Mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Pero dahil sa matatag ang kanyang loob at matapang gaya ng ninunong si Andres Bonifacio, nilabanan niya ang hirap. Hindi siya susuko.
Ang katangian ni Ka Asyong na hindi pagsuko sa anumang hirap at bagkus ay nagsusumigasig pa ay unang nakita noong panahon ng mga Hapon. Sumiklab ang giyera at ang batambatang si Ka Asyong ay hindi nakaligtas para maglingkod sa Inang bayan. Naging runner siya ng mga gerilya. Malaki ang naitulong niya sa Manila Barrion Division na pinamumunuan ni Col. Barrion. Isa siyang magaling na espiya sa edad na katorse anyos lamang. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended