^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-145 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-khobar, Saudi Arabia)

Mangilan-ngilan lamang ang sasakyang nakaparada sa pinili kong lugar. Medyo may kalayuan na kasi iyon sa bahay ng ikinakasal pero tanaw pa rin ang gate ng bahay kaya makikita ang naglalabas-masok na mga bisita. Bahagya na ring madilim sa lugar sapagkat ang pinagparadahan ko ay natataniman ng dates na ang mga dahon ay malalabay. Pinagtabi ko sa pagkakaparada ang Pajero at Suburvan.

Alas-diyes pa lamang ng gabi at sa palagay ko mahaba na naman ang aking ipaghihintay sa mag-anak. Sa loob ng maraming taon kong paglilingkod sa mag-anak na Al-Ghamdi ay hindi ko na mabilang ang mga pagtitipon o kasayahang dinaluhan nila. Reunion ng pamilya, kasalan, selebrasyon pagkaraaan ng Ramadan at kung anu-ano pa kaya hindi na bago para sa akin ang maghintay nang matagal. Isa iyon sa bagay na natutuhan ko sa pagsa-Saudi: Ang maging matiyaga sa paghihintay. Kung hindi matiyaga, tiyak na hindi tatagal ang isang family driver sa Saudi. Kadalasang ang pagtitipon ay natatapos ng alas-dos o alas tres ng madaling araw o mas matagal pa roon.

Ang ganoong matagalang pagtitipon ay pinaghahandaan ko na. Alam kong gutom ang aking kahaharapin kapag hindi ako naghanda. May kakaiba na akong karanasan sa paghihintay at iyon ay nang dumanas ako ng gutom. Noon ay unang taon ko sa Saudi at siyempre’y walang kaalam-alam na magdamagan pala kung magsaya ang mga Saudi. Nagtiis ako ng gutom sapagkat wala namang malapit na mabibilhan noon ng pagkain. Nasa gitna yata kami ng disyerto. Mula noon natuto na akong magbaon ng biscuit at tubig saan man magpunta.

May pagkakataong may mga Pinoy driver ako na nakakuwentuhan habang naghihintay kaya hindi ako naiinip sa paghihintay. Noon din ako nahilig sa pagbabasa ng diyaryo at magazine. Sa tagal ng paghihintay ay nababasa ko ang lahat ng gusto kong basahin.

Isang mahirap na nararanasan ko ay kapag masama ang panahon at ang mag-anak ay walang pakialam kung may naghihintay man sa labas. Minsan ay makararanas ako ng sandstorm at kung minsan ay hailstorm. Grabe. Pero ang mga iyon ay nalampasan ko.

Sa totoo lamang, kahit na madalas dumalo sa mga okasyon sina Sir, hindi ko alam kung ano ang paraan ng selebrasyon nila. Lalo na sa ikinakasal. Sa labas naman habang naghihintay ay wala akong naririnig.

Kapag napagod ako sa paghihintay sa labas ay sa loob naman ako ng sasakyan mauupo at makikinig ng music. Gayunman hindi ako natutulog.

Dakong ala-una ay hindi ako makapaniwala sa nakita. Mula sa pagkakaupo sa loob ng kotse ay isang babae ang nakita kong palinga-linga at papalapit sa aking kinapaparadahan. Si Aziza! (Itutuloy)

AKO

AL-GHAMDI

ALAM

BAHAGYA

MULA

REN E

SAUDI ARABIA

SI AZIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with