^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-131 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia)

Huling-huli kami at nabitin sa pagsasalo ng pagkaing bawal. Wala nang maitatago sa kalaswaang iyon. Kaming tatlo ay pare-parehong hindi nakakibo. Mistulang ipinako sa kinaroroonan. Si Ellie na naihalintulad ko sa hinete ay nanatili sa ibabaw ng matikas na kabayong mola. Wala ring kakibu-kibo na tulad ko. Parang ibinabad sa suka.

Sa tantiya ko, matagal na kaming pinanonood ni Aziza. Naitulak niya ang pinto na hindi namin namamalayan ni Ellie. Nakapasok na wala kaming ingay na narinig. Sa pakiwari ko, natangay din si Aziza sa tanawing nasaksihan at bumalik lamang sa katinuan nang matabig ang pigurin na nakapatong sa mesita. Unang pagkakataon na makakita ng ganoong klase ng panoorin – live at may mga kasama pang ungol na una niyang nakita sa ninakaw na VHS tape ni Ellie noon. Sinadya niyang huwag lumikha ng ingay sa pagpasok. Ganoon naman ito, kung minsan ay papasok nang marahan at sosorpresahin ako. Kikilitiin ako at gugulatin.

Masyado kaming natangay ni Ellie sa pinagsasaluhan. Kahit pa nga siguro may pumasok na motawa ay hindi rin namin papansinin. Ibig kong sisihin ang sarili sa pagkakataong iyon. Hindi kami naging maingat ni Ellie. Ang mga sumunod pang pangyayari ay lalong nagbigay sa amin ng takot. Wala nang lusot at buking na ang relasyon.

"Maza yani zalek?"
tanong ni Aziza na hindi ko na maintindihan kung ano ang ibig sabihin. Pasingaw na ang pagkakasabi. Ang mga mata ay naniningkit dahil sa galit. Ang ipinagtataka ko ay hindi sa akin nakatingin kundi kay Ellie. Hindi pa rin makakilos si Ellie.

"Maza tamalin?"
tanong pa na hindi ko rin maintindihan na palagay ko’y si Ellie ang tinatanong.

Kumilos ako para kumawala sa pagkakasakay ng hinete. Sa pagkilos ko’y lumantad ang maselang bahagi ng aking katawan at alam kong nakita iyon ni Aziza. Maliwanag na maliwanag ang ilaw sa kuwarto. Hinagip naman ni Ellie ang daster na nakapatong sa unan. Hindi isinuot kundi itinakip sa mayayamang dibdib.

Tumayo ako para kunin ang aking saplot na nahulog sa ibaba. Isinuot ko iyon nang nakaharap kay Aziza. Bahala na kung ano ang gawin niya. Tutal, nahuli na niya kami at ano pa ang aking katatakutan. Hindi na maibabalik ang anumang nangyari na. Pinanood ako ni Aziza habang isinusuot ko ang itim na saplot. (Itutuloy)

AL-KHOBAR

AZIZA

BAHALA

BATAY

ELLIE

REN E

SAUDI ARABIA

SI ELLIE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with