Yapak sa bubog (Ika- 113 Labas)
February 6, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)
"kaifa halek?" tanong ni Sir Al-Ghamdi kay Ellie nang dumating kami sa bahay. Walang galit sa boses ni Sir kahit na biglaan ang pagdating ni Ellie galing Riyadh.
"Ana be seliah jaiyedah," sagot naman ni Ellie.
Iniwan ko na sila matapos ipasok ang bag ng damit ni Ellie. Narinig ko ang boses ni Mam Noor at tinanong si Ellie. Hindi rin naman galit si Mam Noor dahil sa biglaang pagdating ni Ellie. Maunawain talaga ang mag-asawa naming amo. Hindi ko nakita si Aziza nang dumating kami. Ganoon naman sina Aziza at mga kapatid nito, hindi sila nasanay na nakikihalubilo kapag may bagong dating. Hindi katulad ng mga Pinoy na mainit kung tumanggap kapag may dumating na bisita. Nahuhulaan kong nasa kanyang kuwarto si Aziza. Maaaring nag-aaral ng leksiyon o nakikinig ng music.
Hindi na kami nag-usap ni Ellie sa mga gagawin namin sa gabing iyon. Tiyak, mapupuyat na naman kami sa pagsasalo sa "bawal". Susulitin ang may isang buwang pagkakahiwalay. Ayaw kong maging ipokrito sa sarili subalit inaamin kong uhaw na rin ako. Sa ilang ulit na "pagsasalo" namin ni Aziza na pawang palpak, lalo lamang ako nakadama ng pagkasabik at walang ibang mapagbabalingan ng kasabikang iyon kundi si Ellie. Sa tingin koy uhaw na uhaw si Ellie o sa mas magandang paglalaraway gutom na gutom.
Hindi ko na isinara ang pinto ng aking kuwarto. Awtomatiko na iyon para hindi na kumatok si Ellie. Isang paraan para tuluy-tuloy na pumasok. Nagbasa ako habang nakahiga sa kama.
Nang mag-aalas-diyes, nakarinig ako nang mga yabag at naramdaman kong may nagtulak ng pinto ng kuwarto. Si Ellie na marahil. Subalit maaga naman yata siyang masyado. Hindi na siguro makapagpigil. Ang init marahil ng katawan ay nagpapahirap na sa kanya.
Subalit nagkamali ako. Sa halip na si Ellie, ang kumuwadro sa pintuan ay si Aziza. Nakangiti. Maingat na isinara ang pinto at dahan-dahang lumapit sa akin. Ako namay parang ipinako sa pagkakahiga. Naalala ko na maaaring dumating din si Ellie at mag-abot ang dalawa. Narito ang grasya subalit natatakot ako sa maaaring mangyari. Bakit kung kailan narito si Ellie ay saka naman dumating si Aziza? (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended