^

True Confessions

Yapak Sa Bubog (Ika-75 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay sadyang binago sa pakiusap ni Ren.)

SUNUD-SUNOD na ang mga pagsisinungaling ko sa aking asawa. Hanggang sa sumapit ang pag-alis ko patungo sa Saudi Arabia. Inihatid ako ng aking mag-ina. Nang nasa airport na kami ay patuloy ko pa ring ipinaaalala sa aking asawa na huwag siyang mag-alala at magtiwala sa akin habang nasa Saudi. Hindi ako matutukso sa ibang babae gaya ng kanyang kinatatakutan. Hindi ko kailanman nalilimutan ang pangako sa kanya.

Ala-una pa ng hapon ang alis namin subalit alas-onse pa lamang ay naroon na kami. Iyak nang iyak ang aking anak lalo na nang pumasok ako sa airport para kumuha ng boarding pass at ayusin ang ibang dokumento sa OWWA center doon. Mas matindi ang tama ng lungkot sa akin kapag ang anak ko na ang umiyak at naghahabol sa akin. Mas nadarama ko ang lungkot ng paghihiwalay.

Habang nakapila sa counter, sinusulyapan ko ang aking asawa at anak habang nasa waiting area. Pinagmamasdan din pala nila ako at bawat galaw ko ay sinusundan. Usapan na namin ng aking asawa na kapag nakapasok na ako sa Immigration saka lamang sila aalis na mag-ina.

Nang matapos ako sa OWWA counter ay sa pila naman para sa boarding pass ako lumipat. Marami ang mga tao sa pila at karamihan ay mga OFW. Tiningnan ko uli ang aking mag-ina sa waiting area. Naroon pa rin sila at nakatingin sa akin.

Nang bumaling ako sa kanang hanay, nagulat ako nang makita roon ang isang babaing nakapila. Si Ellie! Nagkatinginan kami. Nginitian ako. Bigla kong binawi ang pagkakatingin kay Ellie at muling sumulyap sa waiting area na kinaroroonan ng aking mag-ina. Naroon pa rin sila. Ang anak ko ay umiiyak pa rin habang nakatingin sa akin. Pinipigil naman ng aking asawa ang sarili pero alam ko, gusto rin nitong umiyak. Sa haba na rin naman ng panahon ng aking pagsa-Saudi, kabisado ko na ang kanyang damdamin.

Nakuha ko ang aking boarding pass. Iyon na ang hudyat na tuluy-tuloy na ang pagtungo ko sa Saudi. Wala nang makapipigil sa pag-alis ko.

Nang papasok na ako sa loob patungo sa Immigration ay sinulyapan kong muli ang aking mag-ina. Naroon pa rin sila at nakatingin sa akin. Binawi ko na ang tingin at tuluy-tuloy na sa Immigration. Paalam na sa inyo, naibulong ko sa sarili.

Nakapila na ako sa Immigration nang biglang may humawak sa aking braso na ikinagulat ko. Si Ellie. Nakangiti.

Hindi pa man kami nakararating sa Saudi ay nagsisimula na ang aming kasalanan. Hindi pa man nakatatapak sa Saudi ay nag-uumpisa na naman kaming yumapak sa matatalas na bubog.

(Itutuloy)

AKIN

AKING

AKO

AL KHOBAR

NANG

NAROON

REN E

SAUDI

SAUDI ARABIA

SI ELLIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with