Yapak sa bubog (Ika- 62 Labas)
December 17, 2001 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar.Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)
Si Ellie ang tuwang-tuwa sa pagkakaroon namin ng marriage contract. Nang iabot ko iyon sa kanya ay agad nitong binasa. Ang ekspresyon ng mukha ay tulad sa isang animoy nakatanggap ng hindi inaasahang maganda at malaking regalo. Naitanong ko sa aking sarili, nang ikasal kaya si Ellie sa kanyang asawa noon ay ganito rin ang kanyang naramdaman. Siguro namay masaya pa sapagkat hindi pa niya natutuklasan ang tunay na damdamin at isa pay naghahanap siya ng lalaking aako sa kanyang ipinagbuntis upang mailigtas sa kahihiyan.
Kakaiba ang nakita kong kasiyahan sa kanyang mukha at hindi iyon napipilitan. Si Ellie ay masaya ngunit ako ay nakokonsensiya. Patawad sa asawa ko, naibulong ko sa aking sarili. Ayaw kong mangyari subalit, natukso na rin ako. Yumapak na ako sa matutulis na bubog.
Ang unang paglabas namin ni Ellie para mamasyal ay nagdulot sa akin ng kakaibang nerbiyos. Ganoon pala ang nararamdaman ng isang lalaking unang mamasyal na may kasamang babae. Pakiwari ko bay sa amin nakatingin lahat ang mga nakakasalubong namin. Hindi ako makatingin ng deretso sa pagkatakot na may makakita sa aking kakilala. Si Ellie sa pakiramdam ko naman ay nakataas-noo pa. Wala akong nahalatang pagkapahiya. Lalo akong kinabahan nang sa paglalakad namin ay humawak pa siya sa aking braso na animoy nasa isang shopping mall kami sa Maynila. Tila nawala sa isipan ni Ellie na kami ay nasa isang mahigpit na bansa at ang mga kilos ay dapat nasa numero. Tila nawala sa kanyang isipan na ang pagpapakita ng hayagang paglalambingan o pagmamahalan ay masama sa mga isipan ng mga Saudi lalo pa iyong mga motawa na mahigpit ang pagkakakapit sa kanilang relihiyon.
Binulungan ko si Ellie na huwag nang kumapit sa aking braso. Sinabi kong baka may makakita sa aming motawa at sitahin kami.
"Me kasulatan naman tayo di ba?" tanong ni Ellie.
"Kahit na. Mabuti na rin ang nag-iingat," sagot ko.
Inalis ni Ellie ang pagkakakapit sa braso ko.
Sa Shola shopping center kami kauna-unahang namasyal ni Ellie. Pinasok namin ang mga tindahan ng alahas, relo at sapatos. Bumili si Ellie ng relo. Kahit na ayoko pang bumili ng gomang sapatos ay pinilit ako ni Ellie. Siya raw ang magbabayad. Sabi koy sa susunod na lang. Pero mapilit. Nakita raw niyang sira na ang aking jogging shoes. Isang magarang Nike air ang pinili niya para sa akin. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended