'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-39 na Labas)
October 12, 2001 | 12:00am
Tanghali ng October 6 (Saturday) ay nag-text ang asawa kong si Jun mula sa Riyadh, Saudi Arabia. Hiniling na tawagan ko siya sa oras ding iyon upang magkausap kami. Ginawa ko agad iyon. At nagulat ako sa kanyang sinabi. Mayroon daw nag-attempt mag-text sa kanya kahapon (Friday) subalit ayaw lumabas ang message sa kanyang cell phone. Nakalagay lamang doon: CANNOT DISPLAY. Takang-taka siya sapagkat noon lamang nangyari iyon sa kanya. May hinala si Jun na masyadong malaki o marami ang message o ang graphics kaya ayaw mag-display. Pero sino ang magpapadala sa kanya ng message o graphics. Ako lang ang may alam ng number niya. Sinubukan umano niyang sagutin subalit lalo pa siyang nagulat nang makitang tatlong numero lamang ng telepono ang naka-display doon. Kakatwa pang mga number na 111 ang nakita niya. Napakamot na lamang umano siya sa ulo. Me nanloloko raw yata sa kanya.
Minsan kasi habang nag-uusap kami sa phone ay nagbiro si Jun noon na ibigay ko raw ang number niya sa mga duwende para makapag-text ang mga ito sa kanya sa Saudi. Nang magbakasyon siya noong March ay nagbirong magdadala siya ng dalawang duwende papuntang Saudi. At pagkatapos ay nagtawa ito nang nagtawa. Mabiro kasi at masayahin ang asawa kong si Jun.
Naisip kong baka nga duwende ang nagpadala ng text sa aking asawa. At kaya hindi madisplay ay sapagkat mahaba at mga buo ang message ng mga duwende. Sa maraming beses na ring pagti-text sa amin ng mga duwende, nagkakaroon ako ng hinalang baka nga pati si Jun ay pinaglalaruan na rin ng mga ito.
Iisa naman ang payo ng aking asawa, tanging ang Diyos lamang ang pagtiwalaan sa kabila ng mga kakaiba at kakatwang nangyayari. Dagdagan ko pa raw ang pagtitiwala sa Diyos. Laging magdasal at humingi ng tulong. Sinabi kong ganoon nga ang aking ginagawa. Hindi ako nakalilimot.
Isa pa rin sa mga napansin ko sa sulat ng duwende ay ang pagsasabi nilang naglalaro lamang sila at ang lahat ng nangyayari sa aming bahay ay kagagawan nila. Halos ganito rin ang lumabas sa automatic writing na ginawa ng psychic na si Jane nang magpunta sila noon sa bahay. Walang pagkakaiba at halos ay ganoon din ang pananalita. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended