'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-26 na labas)
September 29, 2001 | 12:00am
Isa sa mga nakatutuwang napansin ko sa duwendeng nagti-text ay ang malalim nilang pagsasalita ng Tagalog. Gaya na lamang nang magtext sila sa akin noong September 5. Ang tawag nila sa diyaryo ay pahayagan. Mas malalim at mas may pagmamahal pa yata sila sa katutubong wika kaysa sa akin. Marami pang ibang malalalim na Tagalog ang kanilang sinabi sa text.
Isa pa rin sa napansin ko ay ang pagsasalita nila tungkol sa Diyos. Naniniwala ang mga duwende na may isang makapangyarihang Diyos na lumalang sa kanila. Kay Magno ko ito nalaman.
Nag-text kasi ako at humingi ng tulong kay Magno na huwag na sanang paglaruan pa ang kapatid niyang si Briana ang aking anak na si Gina. Sabi ni Magno, ipagdasal na lamang daw sa Diyos. Hindi nga marahil niya kontrolado ang ginagawa ng kapatid at ipinauubaya sa Diyos ang lahat.
Nalaman ko rin mula sa pakikipag-text na ang mga duwende ay hindi laging malakas o may kapangyarihan. Ayon kay Magno, nawawala rin ang kanilang lakas o kapangyarihan kapag bilog ang buwan. Hindi na niya gaanong ipinaliwanag kung bakit.
Nagtataka naman ako na may mga araw o minsan ay inaabot ng isang linggo na walang kakatwang nangyayari sa bahay. Walang gamit na nawawala si Gina at nakapagtatakang wala rin siyang sakit. Noon ngay masaya na ang aking kalooban sapagkat minsan isang linggo ay naging normal ang aming buhay na mag-iina.
Napag-alaman ko, ayon na rin sa text na aking natanggap na may mga okasyong pinupuntahan din ang mga duwende. May mga pagkakataong dumadalo sila sa kasalan, birthday o iba pang pagtitipon. Minsan ay naitanong ko iyon sa duwendeng si Magno kung bakit nawala sila nang mahigit isang linggo. Ang sagot nito: "Dumalo kami sa pakikipag-isang-dibdib ng isa kong tiyahin." Malalim ang pagkakasabi niya. Sa halip na sabihin niyang kasal ay pag-iisang-dibdib.
At nalaman ko rin na tulad ng tao, nagkakasakit din ang mga duwende. Nalaman ko sa text na may sakit si Prinsesa Aryana. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended