^

True Confessions

Uod sa aking Laman - (Ika-133 Labas)

-
Sa si Carmen sa mga nurse na naka-duty sa panahon na ako’y ginagamot sa Riyadh Military Hospital. Ang nasabing hospital ay isa sa mga pinakamoderno sa Riyadh. Makabago ang kagamitan at pawang mga dalubhasang doktor ang nasa ospital na iyon. Maraming Pinoy ang nagtatrabaho roon. Karamihan sa kanila’y mga nurse. Marami ring mga maintenance worker. Karamihan sa mga nagpapagamot sa nasabing ospital ay mga sundalo at mga empleyado ng gobyerno.

Sa tantiya ko’y mga 45-anyos si Carmen. Hindi siya kagandahan, kayumanggi at katamtaman ang pangangatawan. Nang malaman kong siya ang nurse na mag-aasikaso sa akin ay nakadama ako ng tuwa. Lumakas ang loob ko dahil Pilipino rin. Mayroon na akong mapagtatanungan na hindi na kailangang makipagbalitaktakan pa sa English. Sa ospital na iyon ay para na rin akong nakakulong. Walang makausap at walang mahingahan ng sama ng loob. Walang masabihan sa aking nadaramang kirot. Hindi naman ako madalaw nang madalas ni Elmer sapagkat me trabaho rin ito. Isa pa’y bawal doon ang madalas na dalaw at limitado ang oras. May kahigpitan sa ospital na iyon.

"Kabayan, hanggang kailan daw ba ako rito sa ospital?" Tanong ko kay Carmen.

"Mga dalawang linggo ka pa rito, Kabayan."

Matipid ang ngiti ni Carmen. Nasulyapan ko ang mapuputi niyang ngipin. Bagay sa kanya ang suot na puting uniporme. Nang iabot niya sa aki ang tableta ng gamot para inumin ay nasulyapan ko ang makikinis niyang braso. May ilang ugat akong nakita.

"Taga-saan ka sa atin Kabayan?" Tanong ko. Sa Pilipinas ang ibig kong sabihin.

"Laguna."

"Matagal ka na ba rito?"

"Matagal na."

Kinagabihan ay nagpunta na naman siya sa aking kuwarto. Matindi ang aking pagnanais na makilala siya nang lubusan. Lakas loob ko nang tinanong ang pangalan. Nagpakilala ito. Nagpakilala rin ako. (Itutuloy)

KABAYAN

KARAMIHAN

MARAMING PINOY

MATAGAL

NAGPAKILALA

NANG

RIYADH MILITARY HOSPITAL

SA PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with