^

Bansa

Hero’s welcome kay Yulo, iba pang Olympians kasado na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hero�s welcome kay Yulo, iba pang Olympians kasado na
Naka-display ang digital ads poster ni 2-time gold Olympic medalist ­Carlos Yulo sa isang mall sa Taguig City. Isang hero’s welcome ang naghihintay kay Yulo at iba pang Pinoy Olympians na inaasahang darating sa bansa sa Martes.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang mga programa at parangal na ibibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay 2-time 2024 Paris Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na bibisita sa Malacañang si Yulo at ang iba pang mga Filipino Olympians sa  Martes, August 13.

Sa pahayag ng PCO, darating ang mga Olympians sa Martes ng hapon at sasalubungin ng kanilang pamilya sa Villamor Airbase.

Pagkatapos nito ay saka didiretso ang mga atleta sa Phillippine International Convention Center (PICC) kung saan sila sasalubungin ng mga government officials, bago tutulak para sa isang heroes’ parade sa mga key areas sa Manila na magtatapos sa Palasyo.

Sasalubungin din sila ni Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang First Family.

Magkaroon din ng programa kung saan personal silang bibigyan ng parangal ng Pangulo pati na ang kanilang iuuwing insentibo, bilang pagkilala sa hindi matatawarang kontribusyon sa Philippine sports at sa naging performance sa 2024 ParisOlympics.

Bukod kay Yulo ay mag-uuwi rin ng bronze medal sina Aira Villegas at Nesthy Petecio.

vuukle comment

CARLOS YULO

PCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with