^

PM Sports

King Tiger bumida sa pista

Nilda Moreno - Pang-masa
King Tiger bumida sa pista
Kumaripas sa largahan ang King Tiger na sinak-yan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce upang hawakan agad ang unahan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sinisiw ng King Tiger ang mga nakatunggali nang manalo ng banderang tapos sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Kumaripas sa largahan ang King Tiger na sinak-yan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce upang hawakan agad ang unahan.

May tatlong kabayo ang lamang ng King Tiger sa pumapangalawang Grand Laughter sa kalagitnaan ng karera habang malapit na tersero ang Mae Bell.

Nanatili sa tatlong kabayo ang bentahe ng King Tiger sa far turn pero ang Mae Bell na ang nasa segundo puwesto.

Kumapit ng bahagya ang Mae Bell pagsapit ng huling kurbada pero mu­ling lumayo ang King Tiger sa rektahan at tinawid nito ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat.

Dumating na segundo ang Mae Bell, tersero ang Krugerrand habang pang-apat ang Glamour Girle sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Inukit ng King Tiger ang tiyempong 1:25.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P7K habang napunta ang P2K at P1K sa second at third placers na sina Mae Bell at Krugerrand, ayon sa pagkakasunod.

Sumikwat din ang winning horse owner ng P11K added prize habang may P4,500 ang breeder ng nanalong kabayo at P1K at P500 ang second at third.

Samantala, pitong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Sabado habang siyam naman ang nilarga kahapon ng Linggo.

Tiyak na sulit ang pa­ngangarera ng mga karerista kahapon dahil tatlong stakes races ang kanilang nasaksihan.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with