^

Pang Movies

Former Miss U na si R’Bonney, nabukulan sa jeep!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Former Miss U na si R�Bonney, nabukulan sa jeep!
R’Bonney

Kinaaliwan ang naging karanasan ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel sa pagsakay niya sa jeep.

Makikita sa binahagi niyang Reel habang nakasakay siya ng jeep ang kanyang nerbyos kaya mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa hawakan ng jeep sa kanyang taas.

“When you’re terrified there’s no seatbelt in the jeepney and you don’t know what’s your stop so you just accept your fate,” caption niya sa kantang Reel.

Kaya naman tinuruan siya ng netizens kung paano siya bumaba.

Pero humanga sila sa beauty queen na wala raw kaarte-arte sa katawan na sinubukan talagang sumakay ng jeep.

Masaya nga sila na makita siya na namamasyal sa ‘Pinas at sinusubukan ang lahat.

Nagkomento pa ang isang fan na paano raw nito napapanatili ang kanyang makeup gayung napakainit sa bansa pero sey naman ng isang netizen ay hindi naman daw makapal ang makeup nito pero lutang na lutang ang ganda.

Aliw rin ang komento ng isang Pinoy na pinag-iingat ito at pinahuhubad ang alahas. Hindi naman kasi bago ang mga snatcher sa bansa natin kaya talagang iniiwasan ng marami na magsuot ng alahas sa pampublikong lugar.

Dagdag pa nga ni R’Bonney ay nauntog pa raw siya sa sinasakyan na marami ang naka-relate na nagkabukol pa nga raw sila dahil sa biglaang pagpreno ng driver ng mga pampubliko nating sasakyan particular ang mga jeepney driver.

Unti-unti na nga raw ito nagiging local at parang Manila girl na rin daw ito at dapat na raw itong magbukas ng atelier sa bansa. Bongga.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with