^

Bansa

Mangingisdang Pinoy pinag-iingat sa paglalayag sa WPS

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang mga mangingisdang Pilipino na mag-ingat sa kanilang paglalayag upang mangisda, matapos sabihin ng China na sisimulan na nitong arestuhin at ikulong ang mga mangingisda sa loob ng 60 araw nang walang paglilitis kapag nahuli sa loob ng inaangkin nitong teritoryo na sumasaklaw sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Tolentino na ang mga Filipino law enforcers ay nagpapatrolya noon sa Bajo de Masinloc, kung saan maraming dayuhang mangingisda, kabilang ang mga Chinese at Vietnamese, ang kanilang inaresto dahil sa illegal poaching. Ang nasabing teritoryo ay tradisyonal na lugar ng pangingisda ng Pilipinas.

“And now it is the other way around. We will be detained for 60 days without trial. Yesterday, I had a meeting with Secretary Manalo of the Department of Foreign Affairs, that if the Chinese arrest and detain Filipino fishermen, this will be the highest level of aggression against us,” ani Tolentino.

Sinabi ni Tolentino, Senate chairman ng special committee on maritime and admiralty zones, na hindi malinaw kung saan dadalhin ng mga Chinese ang mga aarestuhing mangingisdang Pilipino, sa kanilang barko o sa China, para ikulong kung sakaling magkatotoo ang kanilang mga banta.

Sinabi ni Masinloc Mayor Arsenia Lim ng Zambales province, kung saan karamihan sa mga mangingisda ay nangingisda sa Bajo de Masinloc, na pahayag na pi­nayuhan niya ang mga mangingisda mula sa kanyang bayan na iwasan ang mga lugar na posibleng maharap sa panganib.

Sinabi ni Lim na ang mga mangingisda mula sa bayan ng Masinloc ang higit na mahihirapan dahil kalahati ng kanilang mga huli ang mawawala sa banta ng China na ipatutupad ang kanilang lokal na batas sa South China Sea (SCS).

Gayunpaman, sinabi ni Tolentino na hinihikayat ng Armed Forces of the ­Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisdang Pilipino na ipagpatuloy ang paglalayag at igiit ang kanilang mga karapatan sa mga fishing ground sa WPS.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with