^

Punto Mo

‘Himala’ (Part 10)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Tatay sa magandang balita na walang nakitang bukol sa pinakabagong x-ray at lab tests na isinagawa sa kanya. Napaiyak si Tatay sa sobrang katuwaan kasabay sa pagpapasalamat sa Diyos. Nakita ko sa mukha ni Tatay ang pag-asa.

“Bukas po ay sasailalim ka uli sa x-ray at iba pang tests para matiyak ng doktor kung wala na ang bukol,” sabi ko.

“Oo. Pero ngayon pa lang naniniwala na ako na dininig ng Diyos ang ating panalangin,’’ sabi ni Tatay habang pinapahid ang namalisbis na luha. “Napakamakapangyarihan ng panalangin. Basta maniwala ka lang sa himala ng Diyos at makakamtan mo iyon,” sabi ni Tatay.

KINABUKASAN, maaga kaming umalis ni Tatay para magtungo sa clinic ni Dr. Gonzales. Kailangang maging maaga kami sapagkat marami ang pasyente na sumasailalim sa x-ray at iba pang tests.

Habang isinasagawa kay Tatay ang mga kaukulang tests ay nagdarasal ako. Patuloy ang paghingi ng awa at himala na wala na ngang cancer si Tatay. (IItutuloy)

­

GOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with