PNP nakakumpiska ng 520,000 iligal na paputok
MANILA, Philippines — Umabot sa 520,000 mga illegal firecrackers at pyrotechnics ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP).
Ito naman ang sinabi ni PNP Public Information Office chief PBGen. Jean Fajardo kung saan nasa P2.4 milyon ang halaga ng mga ito.
Nasa 19 katao naman kabilang ang dalawang menor-de-edad sa naaresto dahil sa mga iligal na paputok.
Napag-alaman din kay Fajardo na 80 ang firecracker-related injuries dahil sa boga. Ang boga ay improvised cannon na gawa sa PVC pipes ay ginagamitan ng denatured alcohol. Higit 7,000 boga naman ang nakumpiska na ng PNP.
“Malaki na po ‘yung insidente natin involving boga po. Nakakalungkot dahil mga minors ‘yung mga biktima po dyan,” ani Fajardo.
- Latest