^

Police Metro

Titser tinarakan ng dalagita, todas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaking guro nang pagsasaksakin ng 14-anyos na dalagita, kamakalawa ng umaga sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Kinilala ang biktima sa alyas Datu, residente sa Purok Montivelle, Barangay EJC Montilla, ng nasabing lungsod.

Hawak naman na ng pulisya ang 14-anyos na dalagita, ng Columbio, Sultan Kudarat na nakatakdang i-turn-over sa tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD).

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-10:00 ng umaga nitong Lunes nang makatanggap ng  tawag ang Tacurong City Police Station hinggil sa pangyayari.

Nang rumesponde ang mga pulis ay dinatnan ang biktima na naliligo sa sariling dugo dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with