42 party-list groups, kinansela ng Comelec
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na nasa kabuuang 42 party-list groups ang inalis nila sa listahan at kinanselahan ng rehistro para sa May 2025 National and Local Elections (NLE) sa bisa ng Resolution No. 11071 ng Comelec En Banc.
Dalawa lamang ang naging batayan ng komisyon sa kanilang naging desisyon.
Una, ang pagkabigo nitong sumali sa dalawang naunang eleksiyon at pangalawa, ang kabiguan nitong makalikom ng sapat na boto at makausad sa ikalawang round ng seat allocation.
Sa unang batayan, 11 party-list group ang napabilang habang 31 naman sa ikalawa.
Ipinag-utos na rin ng Comelec na mailathala na sa dalawang pahayagan at kanilang opisyal na website ang resolusyon para agaran na rin itong maging epektibo.
- Latest