^

Pang Movies

Dennis, nagparamdam sa dalawang anak sa Australia!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Dennis, nagparamdam sa dalawang anak sa Australia!

Kasalukuyan namang nasa Sydney, Australia, ang actor-comedian at director na si Dennis Padilla para dalawin ang kanyang dalawang bunsong anak  na sina Gavin at Maddie, mga anak niya sa kanyang ex-partner, ang Filipino-Australian na si Linda Marie Gorton.

It was in July 2020 sa gitna ng pandemic nang magkahiwalay sina Dennis at Linda. 

Bitbit ni Linda ang dalawang anak nila ni Dennis nang siya’y bumalik ng Australia at since then ay hindi na nakita ng actor-comedian ang mga anak although regular ang kanilang komunikasyon via video calls.

Kier, gustung-gustong makita ang apo

Boy ang magiging second child ng mag-asawang Dani Barretto at Xavi Panlilio at may nakahanda na silang pangalan para rito, Riley James.

Si Dani ay panganay na anak ng (dating) aktres na si Marjorie Barretto sa ex-boyfriend nitong actcor si Kier Legaspi na hanggang ngayon ay hindi pa rin in good terms sa kanyang anak.

Ang ina ni Dani at nakababatang kapatid na si Julia Barretto ang nag-organized ng baby shower.

Samantala, patuloy namang umaasam ang actor na si Kier na sana’y duma­ting ang panahon na maging okey ang relasyon niya sa kanyang anak na si Dani, makilala niya ang kanyang manugang at apo.

Kier is married kay Jen Corpuz-Legaspi pero hindi sila nabiyayaan ng anak.

The actor has another daughter sa isang non-showbiz girl bago niya napangasawa si Jen. Ang mag-asawa ay nakatira sa isang posh subdivision in Quezon City.

Romnick, two years nang annulled

Kahit ang actress-producer na si Harlene Bautista ang nag-initiate ng hiwalayan nila ng kanyang dating mister (of 19 years), ang actor na si Romnick Sarmenta nung 2018, aminado siyang iniyakan niya nang husto ang kanilang break-up lalupa’t hindi sila nag-away at walang third party sa kanilang separation dahil nag-fail ang kanilang marriage.

During our exclusive interview with Harlene para sa aming online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo ay inamin nito na hindi na umano sila masaya sa kanilang pagsasama ng dating mister na naging mitsa ng kanilang paghihiwalay.

Unknown to many, may dalawang taon na ring annulled ang marriage nina Harlene at Romnick kaya malaya na silang magpakasal sa iba sakaling naisin nila.

Si Romnick ay may three-year-old son sa kanyang present partner, ang actress na si Barbara Ruaro habang karelasyon naman ngayon ni Harlene ang ex-husband ng kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao na si Sheila Magdayao na si Federico `Freddie’ Moreno, ang kaisa-isang anak ng namayapang star-builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with