^

Pang Movies

Maine, ‘di buntis!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi naman totoong buntis si Maine Mendoza dahil slim na slim pa rin siya nang dumalo siya sa official launching ng BingoPlus Pinoy Drop Ball na ginanap last Sunday (Sept. 29) at Manila Hyatt Hotel in BGC.

Si Maine ang ambassador ng BingoPlus, the country’s top platform for digital entertainment at siya mismo ang nag-unveil ng Pinoy Drop Ball kasama ang executives ng BingoPlus na sina DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco and President of AB Leisure Exponent Inc, Mr. Jasper Eusebio.

Ayon kay Maine, pamilyar siya sa perya game na Pinoy Drop Ball dahil bilang lumaki sa probinsya ng Bulacan, noong mga bata raw sila ay nagpupunta sila sa perya at nilalaro niya ito.

Kaya naman excited siya na naglabas ang BingoPlus ng nasabing game na paboritong laruin ng mga Pinoy sa perya.

“As a brand deeply rooted in Filipino culture, it has been our mission to elevate traditional Pinoy entertainment and bring this experience to the mo­dern age. Like our well-loved Filipino games Bingo Mega, Color Game, and Papula Paputi, Drop Ball promises to reignite your excitement and engage you further in the BingoPlus platform,” Chairman Tanco during his speech at the grand reveal.

“Drop Ball is another leap forward in this mission, as BingoPlus continues to bridge offline traditions with modern technology, creating a more seamless and exciting experience for all,” dagdag niya.

Exciting ang Pinoy Drop Ball dahil malaki ang chance ng player na manalo ng malaki mula sa multipliers. Pwedeng ma-doble at ma-triple ang panalo mo at may bonus round pa na may multipliers na 10, 50, 100, and even up to 200.

Ate Vi, may senyales sa pulitika

Sanib-pwersa ang mag-iinang Vilma Santos, Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa dara­ting na 2025 elections.

Ito ang kinumpirma ni Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute sa 92.3 Radyo5 TRUE FM.

Inanunsyo ni Nay Cristy na tatakbong Governor si Ate Vi ng Batangas at ka-tandem niya ang panganay na anak na si Luis na kakandidato namang Vice Governor.

Habang ang anak naman nina Ate Vi at Ralph Recto na si Ryan Christian ay tatakbong Congressman ng 6th District ng Batangas.

Kaya tiyak daw na magiging maganda ang labanan sa Batangas sa darating na eleksyon.

Kung bakit sabay-sabay na tatakbo ang mag-iina, ayon kay Nay Cristy, ito raw ay matagal nang hinihiling ng mga Batangueño.

“Hiningi po sila. Matagal na silang hinihingi na tumakbo. Pangalawa, nakakita na si Ate Vi ng mga senyales para ituloy ang pagpasok nila sa mundo ng pulitika, silang tatlong mag-iina,” sey ni Nay Cristy.

Matatandaang namahinga sa pulitika si Ate Vi since 2022 matapos nga ang mahahabang taong paninilbihan sa Batangas bilang Mayor, Governor at Congressman.

Samantalang si Luis naman ay matagal na talagang nakakatanggap ng offers na pumasok sa mundo ng pulitika and apparently ay nakapagdesis­yon na nga ang TV host na sundan na rin ang yapak ng ina at ng kanyang stepfather.

Sa latest Instagram account ni Luis ay ibinahagi niya ang bagong family photo nila. Makikita sa larawan sina Ate Vi, Ralph, Ryan Christian with their dogs at ang mag-asawang Lucky and Jessy Mendiola kasama ang anak nilang si Baby Peanut.

“Manzano - Santos - Recto,” ang simpleng caption ni Luis.

MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with