^

Pang Movies

Kaalyado raw ni P-Noy: Dingdong kakandidato sa 2016

YSTAR - Baby E - The Freeman

“Pustahan tayo”, bulong sa amin ng isang katabi naming fellow entertainment writer at columnist sa church wedding mismo nina Ding­dong Dantes at Marian Rivera sa Immaculate Conception Cathedral ng Cubao, Tuesday, Dec. 30, na ang next important announcement na gaga­win ni Dingdong ay ang desisyon niya to run for public office in the 2016 elections.

Now, whether national or local ang posisyon na kanyang pinupuntirya still remains to be seen.

Obvious na he needs to ask advice muna from the party he will represent in the elections. Na natitiyak na ng aming source na Liberal Party, as suggested by the presence of no less than President Noynoy Aquino sa kanyang wedding.

Already, may ‘‘pambato’’ na siyang pang-come on sa kanyang pangangampanya. Bukod, of course sa kanya.

No need to mention the name of Marian who will definitely be an asset kay Dingdong sa bagong endeavor niyang ipu-pursue.

AiAi sinayang ang pagkuha ng crash course, naduwag sa pulitika

Meanwhile, did we hear it right na sure na si AiAi delas Alas sa desisyon niyang huwag nang tumakbo bilang Mayor ng Calatagan, Batangas?

Sayang as she is well-prepared pa naman para sa political career niya. As suggested by Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. AiAi, for a time, took up a crash course in political science.

Na ginawa ni Ate Vi did bago niya tinahak na full-time ang mundo ng pulitika.

Like AiAi however, Gov. Vi is not sure if she will run for a public office in the next elections. As it is nga naman kasi, last term na niya bilang gobernador ng Batangas. Naka-third term na kasi siya.

Her son (by Luis Manzano), on the other hand, still appears reluctant to embrace a political career.

After all nga naman, he seems to be doing very well in his showbiz career. ‘Di pa man natatapos ang second season ng The Voice of The Philippines, where he is host, together with Robi Domingo and siblings Toni and Alex Gonzaga, nakatakda rin siyang maging leading man ni Alex G. sa first solo movie nito, na ang magdidirek diumano ay ang common paboritong director nila ni Alex na si Wenn Deramas.

Direk Wenn, to those who doesn’t know it yet (which, I doubt, kung meron) ay ang director ng The Amazing Praybeyt Benjamin na tinitiyak nang siyang tatanghaling pinaka-top grosser among all the eight entries in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF).

Maraming taga-showbiz tuloy ang pag-ariba sa eleksiyon

On the other hand, it’s in the bag na tatakbong muli si Jorge “ER” Ejercito as Governor ng Laguna in 2016.

Napurnada ang pamamahala niya ng nabanggit na probinsiya dahil napatunayang nag-over spend siya in the last elections.

Well, ‘di raw naggi-give up ang pangunahing aktor ng MMFF entry na Muslim Magnum .357.

Matutupad pa rin daw ang pangako niya sa mga kapwa niya Lagueños na paglingkuran niya ang mga ito para lalong maging mas maunlad na bayan.

Manila Vice Mayor Isko Moreno made public na rin his decision to run for Manila Ma­yor. After all, if he heard it right, wala nang balak ang current Manila Mayor, former President Joseph Estrada, na muling tumakbo for the same position.

Come to think of it, may something in common itong si Vice Isko with current The Voice Kids champ, Lyca Gairanod. Tulad ni Lyca at ng kanyang pamilya, lumaki ring namumulot ng basura sina Vice Isko at ang kanyang kamag-anakan.

But while Cavite ang teritoryo nina Lyca, Tondo naman ang kina Isko.

Until Isko was given a chance by Kuya Germs (German Moreno to you and me) to be part of his then popular discovery program, That’s Entertainment.

The rest, wika nga is history.

Two other incumbent Quezon City officials, who are definitely running for the same position na kanilang ‘‘hawak’’ kumbaga sa kasalukuyan ay Mayor Herbert ‘‘Bistek’’ Bautista at Congressman Alfred Vargas ng  5th district ng QC.

Did we hear it right na balak din ni Aiko Melendez na ‘‘pasukin’’ muli ang daigdig ng pulitika?

AIKO MELENDEZ

ALEX G

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

ATE VI

BATANGAS

BATANGAS GOV

CONGRESSMAN ALFRED VARGAS

NIYA

VICE ISKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with