^

PSN Palaro

Justice

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nag-champion na ang New York Knicks sa NBA at Game 7 ng PBA Commissioner’s Cup Finals ng Ginebra at TNT mamaya.

Parehong big news. Pero kasing init pa rin ng araw ang usapan sa pagkamatay ng Ateneo players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili dahil sa pagkalunod sa isang team activity sa Aurora.

Kaliwat-kanan ang imbestigasyon. Kasama ang PNP, CIDG, DILG, NBI at Philippine Sports Commission with the UAAP kung saan member ang Ateneo.

Dehins ako magugulat kung umabot pa ito sa House hearing at sa Senado oras na meron na silang peaceful quorum.

Nabigyan na ng scholarships sa Ateneo de Davao ang mga kapatid ni Baterbonia. Nangako na din ang Ate­neo de Manila ng suporta sa pamilya ng mga nasawi.

Welcome, of course.

Pero nakatuon ang focus ng tao sa head coach na si Tab Baldwin. Sari-saring balita. Sari-saring speculations.

Nag-resign na si Baldwin bilang head coach at tinanggap na ito ng Ate­neo. Pamatay sunog ang resignation ni coach, kasama na ang team manager na si Epok Quimpo.

But it doesn’t mean na tapos na ang issue dahil sa tingin ko, mahaba pa ang boksing.

Justice ang sigaw ng pamilya nina Baterbonia at Adili, na tubong Nigeria. Anong klaseng justice, dehins natin alam.

Ang pananaw kasi ng karamihan, may liability ang team officials sa pagsasagawa ng activity sa delikadong atmosphere na may malalakas na alon nung oras na naganap ang malagim na trahedya.

Ang sabi ng PNP, “possible homicide.”

‘Yun ang mabigat.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with