Gilas future maganda — Cone
MANILA, Philippines — Maganda ang nakikitang future ni head coach Tim Cone para sa Gilas Pilipinas.
Isa sa pangunahing dahilan nito ang mga bagitong miyembro ng tropa na nahahasa na agad sa malalaking laban gaya ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Partikular na tinukoy ni Cone sina Carl Tamayo, Kevin Quiambao at Mason Amos na maganda ang ipinamalas sa 93-54 panalo ng Gilas sa Hong Kong.
Sa 17 minutong paglalaro ni Tamayo, gumawa ito ng 16 puntos at limang rebounds.
“In the first half, he got out, he hit a three-point shot, he went to the basket, he had a post-up, he had an offensive rebound, all scores. And that’s what we are looking for from our young guys,” ani Cone.
Matikas din ang inilaro nina, Quiambao at Amos na nabigyan ng playing time matapos hindi masilayan sa aksyon sa 93-89 panalo ng Gilas Pilipinas sa New Zealand.
Nagsumite si Quiambao ng walong puntos, limang rebounds at apat na assists habang nagdagdag naman si Amos ng tatlong puntos, dalawang rebounds at isang block.
Maliban pa sa tatlo ang presensiya ni Kai Sotto na malaki na ang ipinagbago ng kanyang laro kumpara sa mga nakalipas na laban ng Gilas Pilipinas.
- Latest