^

PSN Opinyon

TV documentary mali ang docu?

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Ang mga TV documentaries ang isa sa mga maaasahan at masasabing reliable sa paglalahad ng mga istorya at tunay na pangyayari sa buhay ng bawat Pilipino. Pero paano kung ang TV documentary ay mali ang ipinalabas?

Kinontra kasi ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region III ang ilang alegasyong lumabas sa isang TV documentary tungkol sa dating dumpsite sa loob ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng Ayta Ambala sa Sitio Tibag, Barangay Naugsol, Subic, Zambales.

Lumilitaw sa Memorandum No. R3-2024-07-2894, Series of 2026, na sinabi ni NCIP Region III Director Atty. Joyce Lapuz na nagsagawa ang komisyon ng validation para alamin kung may nalabag na karapatan ng mga katutubo sa ilalim ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA).

Napag-alaman sa Tribal Council ng Barangay Naugsol na pumayag ang komunidad na pansamantalang magamit ang lugar bilang dumpsite matapos ang konsultasyon sa pamahalaang bayan ng Subic noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Para sa NCIP wala naman silang nakitang ebidensya na may mga pamilyang Ayta na sapilitang pinaalis sa kanilang tirahan o may mga bahay na giniba dahil sa operasyon ng dating dumpsite. Bakit mali ang documentary?

Tinatayang nasa 87 pamilyang Ayta Ambala o humigit-kumulang 435 katao, ay naninirahan sa kalapit na Sitio Alibang. Ang ilang kabahayan sa Sitio Tibag ay may sapat na layo mula sa dating dumpsite.

Hindi rin nakumpirma ng NCIP ang alegasyong kontaminado ang tubig sa lugar. Anila, kailangan muna ang teknikal at siyentipikong pagsusuri, kabilang ang water quality testing, bago makapagbigay ng pinal na konklusyon.

Nitong Hulyo 17, 2026, sinabi ng komisyon na wala silang naamoy na mabahong amoy at wala ring naobserbahang hindi pangkaraniwang dami ng langaw o iba pang insekto.

Hindi rin matiyak ng NCIP ang usapin sa umano’y buwanang P10,000 na ibinibigay sa komunidad dahil magkakaiba ang naging pahayag ng mga residente kung ito ba ay kaugnay ng dumpsite o dati nang tulong ng lokal na pamahalaan.

Pero para na rin sa ikakapanatag ng lahat inirekomenda ng NCIP ang agarang rehabilitasyon ng dating dumpsite sa pakikipagtulungan ng komunidad upang matiyak ang transparency, pananagutan at pangangalaga sa karapatan ng mga Ayta Ambala.

Hinimok din ng komisyon ang LGU ng Subic na tuparin ang ipinangakong rehabilitasyon ng dating dumpsite at tiyaking ang lahat ng proyekto sa loob ng ancestral domain ay may wastong koordinasyon sa NCIP at kumpletong permit bago ipatupad.

Wala namang tutol ang NCIP sa mga documentary basta nailalahad ang katotohanan. Sa katunayan malaking tulong sa kanila  ang paglalahad dahil madaling naaaksiyunan ng gobyerno.

DOCUMENTARIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with