^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lumantad at sagutin ang mga akusasyon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Lumantad at sagutin ang mga akusasyon

Hindi titigil ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago sa bunker. Ayon sa tagapagsalita ng PNP may nade-detect umano silang gumagalaw at humihinga sa ilalim ng lupa at naniniwala silang ito ang pastor. Nasa ikalimang araw na ang paghahanap sa KOJC leader na nagsimula noon pang Sabado.

Nagbarikada ang mga supporters ni Quiboloy para pigilan ang pagpasok ng may 2,000 pulis. May mga inaresto makaraang maghagis ng silya at magsaboy ng likido na pinaniniwalaang ihi. Marami naman ang naperwisyo nang magkaroon ng trapik dahil sa iniharang na mga truck, crane at private vehicles sa gitna ng highway patungong Davao International Airport. Ang mga pasahero ay naglakad na lamang sapagkat mali-late sila sa flight.

Noong Martes, naglundagan sa tuwa ang KOJC members nang lumabas ang kautusan ng Davao City Regional Court na nag-uutos sa PNP na itigil ang pag­hahanap kay Quiboloy. Subalit hindi naman pala ga­nito ang utos ng korte kundi pinatatanggal sa PNP ang inilagay na mga barikada sa paligid ng KOJC para hindi mahirapan ang mga taong naninirahan at nagtatrabaho sa compound.

Kaya tuloy ang PNP sa paghahanap kay Quiboloy. Sinabi ni B. Gen. Nicolas Torre III na ginagawa lamang nila ang iniuutos ng korte na hanapin at isilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy. Hindi umano sila luma­labag sa batas sa paghahanap kay Quiboloy at pinai­iral ang maximum tolerance. Wala umanong mga baril ang pulis na nasa KOJC compound. Marami umano sa mga pulis ang nakatikim ng mga masasakit na salita sa mga miyembro ng KOJC. Pero pinairal ng mga pulis ang pagiging mahinahon. Saksi rin umano ang mga taga-Commission in Human Rights (CHR) na walang gina­gawang paglabag ang mga pulis sa ginawang pagpasok sa compound para hanapin ang pastor.

Walang nakaaalam kung kailan magtatagal ang 2,000 pulis sa KOJC compound pero nangako ang mga matataas na pinuno ng PNP na makikita nila ang hinahanap na lider ng KOJC at iba na inaaakusahan nang maraming kaso kabilang ang child abuse at human traf­ficking. Hindi lamang sa Pilipinas may kinakaharap na kaso si Quiboloy kundi maging sa United States man.

Pinakamabuting gawin ni Quiboloy ay sumuko na at harapin ang mga inaakusa sa kanya. Kung wala siyang kasalanan gaya nang sinasabi niya, patunayan niya. Marami naman siyang abogado na magtatanggol kaya ano ang ikatatakot niya. Nalalagay din sa peligro ang kanyang mga tagasunod dahil parang ang mga ito ang ipinapain niya sa pagharap sa mga alagad ng batas na gumaganap lamang ng tungkulin.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with