^

PSN Showbiz

Mani ni Maris na inalok kay Anthony, bentang-benta!; may gagawing mas matinding harutan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mani ni Maris na inalok kay Anthony, bentang-benta!; may gagawing mas matinding harutan!
Maris Racal at Anthony Jennings

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita ang kontrobersyal na MaThon loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Hindi na sila pinasama sa promo ng And The Breadwinner Is…, pero kapag mapanood mo ang naturang pelikula, ang eksena nilang dalawa na inalok ni Maris ng mani si Anthony ang isa sa bentang-benta sa mga manonood. Ang lakas ng tawanan sa linya ni Maris kay Anthony na, “gusto mo ng mani ko…”

Ang la­test na narinig namin, hindi pa rin sila isasali sa promo ng Incognito na magsisimula nang mag-streaming sa Netflix sa Jan. 17. “As of the moment, hindi. Hindi sila magpo-promote,” ‘yan daw ang sabi ng isang taga-ABS na napagtanungan ng ka-PEP Troika kong si Jerry Olea.

Pero as is pa rin daw ang mga eksena nila sa naturang action-drama. Hindi naman daw babawasan. Hindi naman daw sila papatayin dito.

Nasa cast din ng Incognito sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Ian Veneracion, at Kaila Estrada.

Sabi pa ng Kapamilya insider, “Ang dapat abangan, kung magpo-promote ang MaThon ng Netflix film nila na idinirek ni Jason Paul Laxamana.

“Harutan sila nang harutan. Wagas ang kanilang baby kisses! Sarap!”

Medyo daring nga raw silang dalawa sa gagawin nilang pelikula para sa Netflix.

Nung pumutok ang isyu nilang dalawa, ang Netflix lang ang hindi natinag.

Tuloy pa rin daw ang nakaplanong pelikulang pagbibidahan nila. Kahit nag-atrasan na ang ilang produktong ini-endorse nila.

Kung ang tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mainit na pinag-usapan bago pumasok ang taong 2024, ngayon namang sasalubungin natin ang 2025 ay sina Maris at Anthony naman ang hot topic.

Producers, hindi na nagbibigay ng mga kinita sa MMFF

Hindi na nagbibigay ng figures ang mga producers kung nakamagkano ang kinita ng pelikula nila sa #MMFF50.

Mas pinag-uusapan pa rin ang mga alingas­ngas na nangyari sa Gabi ng Parangal noong nakaraang Biyernes.

Hindi pa rin gaanong umalagwa ang box office performance ng mga pelikulang kalahok pero nangu­nguna pa rin ang Breadwinner ni Vice Ganda, pero hindi ito kasing lakas ng nangungunang Rewind noong nakaraang taon.

Ang sabi ng ilang napagtanungan namin, mahigit P200M na raw ang kinita ng pelikula nila Vice Ganda, pero kinontra ito ng isa pang reliable source namin.

Hindi pa raw sumampa sa P200M. ‘Yun nga lang malayo sa pumapangalawa na The Kingdom, at pangatlo ang Espantaho, at umakyat na sa pang-apat ang Green Bones. Nalagpasan na nito ang Uninvited na bumagsak sa panlimang puwesto sa box office.

Noong nakaraang taon ay nag-extend pa sila dahil sa rami ng mga manonoood. Ewan ko lang kung mangyayari ito ngayon, dahil hindi pa rin ito ganun kalakas sa takilya.

Nung nakausap ko si Sen. Bong Revilla noong Pasko, ang presyo ng ticket ang isa sa concern niya kaya hindi ganun kalakas ang MMFF this year. Dapat na pag-uusapan daw ito kung paano maayos ang presyo ng ticket sa sinehan na kakayanin ng lahat.

Kaya kung napapansin, mas marami pa ring nanonood sa mga sosyal na malls dahil kaya nilang bumili ng mahal na ticket.

Sana tumaas pa ngayon pagkatapos ng New year at makakabawi ang mga pelikulang kalahok, dahil hanggang Jan. 7 pa naman ang MMFF.

Para makakabawi, tuloy pa rin ang block screening ng ilang entries na inisponsoran ng mga kaibigan. Kagaya ni Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm, na talagang suportado nito ang pelikula ng mga endorser niya.

Una niyang inisponsoran ng block screening sa Pampanga ang Green Bones.

Noong Lunes ay tinodo na niya ang block screening sa mga pelikula ng iba pa niyang endorsers, kagaya ng Espantaho para kay Lorna Tolentino, ang Hold Me Close na dinaluhan ng endorser niyang si Carlo Aquino na sinamahan naman ni Charlie Dizon.

Nagpa-block screening din siya sa The Kingdom na dinaluhan ni Piolo Pascual.

“Wala po dito ang Topakk e. Nag-request na po ako, next year pa raw po puwede,” text sa akin ni Ms. Rhea Tan.

Nagpasalamat nga si Ruru sa ganung effort para suportahan ang kanilang pelikula.

ACTOR

ACTRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with