^

PSN Showbiz

Aktor na laging may gf, tumitikim ng lalaki sa spa

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Tumitikim din pala ng lalaki ang isang aktor na walang bahid ng pagiging bading dahil babae ang madalas niyang makarelasyon. Sa totoo lang, meron siyang karelasyon ngayong aktres na may entry sa festival.

Sa isang spa nga na may nangyayaring milagro madalas nang palihim ang pinupuntahahan ng aktor. Eh may babae at lalaki roon kaya hindi malalaman kung babae o lalaki ang nagmamasahe sa aktor.

Nang pumunta minsan ang aktor, lalaki ang therapist na kinuha niya. Nagtaka ang nakuha niyang masahistang lalaki dahil kilala niya ang aktor na hindi niya nababalitaang may bahid ang pagkalalaki.

Ginawa naman ng masahista ang ipinagawa sa kanya at pumayag din siyang gawin sa kanya ang gusto ng aktor dahil malaki naman ang bayad sa kanya!

Naku, talu-talo na ang lahat ngayon, huh!

Barbie, mas bagay sa sikat?

Mas sikat si Barbie Forteza kesa sa boyfriend na si Jak Roberto. Bumibida na sa TV eh bumibida pa rin sa pelikula!

Eh si Jak, kung tama kami eh ang series na Stolen Life ang huling ginawa sa GMA. Pero hindi siya ang bida rito, huh!

So hindi maiiwasang may mga bulong sa nakapaligid kay Barbie tungkol dito. So puwedeng maging isa sa dahilan ‘yun.

Sabi nga sa kanta, some good things never last at isa na rito ang relasyong JakBie na nauwi rin sa hiwalayan ang mahigit pitong taon na relasyon!

AKTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with