^

Probinsiya

2 kelot malubha sa pananaksak sa Rizal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang malubhang nasugatan nang saksakin sa magkahiwalay na insidente, sa Antipolo at Rodriguez, Rizal, nitong Linggo.

Unang insidente ang pananaksak sa biktimang si alyas “Jaja”, 26-anyos, na nilalapatan pa ng lunas sa ospital, habang arestado na ang suspek na si alyas “Rara”, 43-anyos, kapwa residente ng Barangay Dalig Antipolo City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Antipolo Component City Police Station, ala-1:00 ng madaling araw nang mapadaan ang biktima sa grupo ng suspek na nag-iinuman, at humingi ng isang tagay, bago nagsabi na makikigamit muna ng comfort room sa kalapit na abandonadong junk shop, kung saan siya sinundan ng suspek at tinarakan ng patalim ng maraming beses.

Sumigaw ng tulong ang biktima at nakatakbo pa sa kalapit na Barangay Public Safety Officers (BPSO), kaya nadakip ang suspek.

Ikalawang insidente ang pananaksak sa isang alyas “Ado”, 41, ng kapitbahay na si alyas “Jan”, na naganap sa Block 19 Banana St, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang makitang nag-uusap pa sa kalye ang biktima at suspek hanggang sa biglang nauwi sa pananaksak.

Nagtamo ng maraming tama ng saksak sa katawan ang biktima na isinugod sa malapit na Infirmary clinic, bago inilipat sa East Avenue Medical Center.

Ang suspek ay naglakad lang patakas sa nasabing lugar.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with