Inflation bumilis sa 7.2% nitong Setyembre - PSA

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na tumaas sa 7.2% ang inflation rate sa Pilipinas noong Setyembre mula sa 6.1% noong Agosto,
Ayon pa kay Mapa, ang inflation noong Setyembre ay kapantay ng naitala noong Abril 2026 at ito rin ang pinakamabilis na antas mula noong Marso 2023 na umabot sa 7.6%.
Dahil dito, umakyat sa 5.4% ang average inflation rate mula Enero hanggang Setyembre, na nananatili pa ring mas mataas sa target na antas ng pamahalaan na 2% hanggang 4%.
“Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation para sa buwan ng Setyembre 2026 kumpara noong buwan ng Agosto 2026 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 6.7% inflation rate,” pahayag ni Mapa.
Sinabi naman ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan na ang pagbilis ng inflation ay dahil sa disruptions sa food supply dulot ng masamang lagay ng panahon at mas mataas na global oil prices.
- Latest















