^

Police Metro

CALE88, kandidato sa money laundering probe - AMLC

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — May posibilidad na maging kandidato sa imbestigasyon sa money laundering ang CALE88 Foods kung hindi maipaliwanag sa mga libro nito ang P776 milyon na dumaan sa korporasyon sa kabila ng mas maliit na sales at capital.

Ito ang sinabi ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) executive director Atty. Ronel Buenaventura sa impeachment court nitong Martes.

Anya, kailangan munang matukoy kung nagmula ang pera sa isang ilegal na aktibidad bago makabuo ng konklusyon tungkol sa money laundering.

“Kung candidate lang po, yes. But we have to consider all other factors,” sagot ni Buenaventura sa pagtatanong ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian.

“We’ll have to check po kung may predicate,” dagdag niya.

Ang tinutukoy na predicate crime ay ang pinagmulan na krimen ng perang hinihinalang nilabhan o nilinis.

Diniinan ni ?atchalian ang tanong tungkol sa perang hindi umano makita sa mga libro ng kompanya.

“Dapat ma-reflect ’yan sa books, di ba? Eh hindi ma-reflect sa books.Isang candidate for money laundering?” tanong niya.

Ayon kay Buenaventura, maaari itong maging panimula sa pagsisiyasat, pero kailangang suriin ang iba pang factor.

Nang tanungin tungkol sa susunod na hakbang, sinabi niyang kailangang alamin kung anong ilegal na aktibidad ang posibleng pinanggalingan ng pera.Binanggit niya bilang mga halimbawa ang kidnapping for ransom at drug trafficking.

Binanggit din ni Gatchalian na kalahati ng sales ng kompanya ay mula sa China.Tinanong niya kung susuriin din ang pagiging lehitimo ng pinanggalingan ng mga transaksiyon.

Tumanggi si Buenaventura na magbigay ng sagot na partikular sa kompanya, pero sinabi niyang karaniwang sinusuri ang ganitong mga detalye sa isang imbestigasyon.

Matatandaan sa pagdinig noong Lunes ay kinumpirma ni Buenaventura na nakatanggap ang CALE88 Foods, kompanyang iniuugnay kay Atty. Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, ng P319.33 milyon mula China at Hong Kong, batay sa mga ulat ng transaksiyong isinumite sa AMLC.

Bukod sa remittances sa CALE88, inilahad din sa pagdinig ang humigit-kumulang P4.4 bilyong covered at suspicious tran?actions na kaugnay nina Duterte at Carpio mula 2007 hanggang 2025. Kabilang dito ang nasa P1.63 bilyong papasok na transaksiyon at P1.31 bilyong palabas.

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with