^

Probinsiya

Sports complex gumuho: 1 patay, 2 sugatan

Cristina Timbang, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sports complex gumuho: 1 patay, 2 sugatan
Idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Renato Roda Radorez habang nilalapatan ng lunas ang mga kasamahan na sina Jaime Sungcados at Judino Rellesiva, pawang construction worker sa pinapagawang Taytay Sports Complex.
STAR/ File

Habang naghuhukay ng lupa

CAVITE, Philippines — Tatlong construction workers ang natabunan ng gumuhong lupa habang naghuhukay mula sa ginagawa nilang sports complex na ikinasawi ng isa sa Brgy. Muzon Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Renato Roda Radorez habang nilalapatan ng lunas ang mga kasamahan na sina Jaime Sungcados at Judino Rellesiva, pawang construction worker sa pinapagawang Taytay Sports Complex.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente.

Lumalabas na habang abala ang tatlong obrero sa paghuhukay ng lupa sa nasabing itinatayong sports complex nang biglang gumuho ang kanilang hinuhukay sanhi upang sila ay matabunan.

Sa isinagawang rescue operation na umabot ng ilang oras, naiahon ang mga biktima at agad itinakbo sa Taytay Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Radorez habang inoobserbahan ang kondisyon ng dalawang kasamahan.

vuukle comment

SPORTS COMPLEX.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with