^

Probinsiya

3 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Leo Montecalbo, Angelou Palacio at Guillermo Catamco habang ang mga sugatan ay sina Nasser Lominog, Lenie Dizon, Sandy Reyes, ean Cabacus, Rex Canete, Eric Atienza at Roshan Pelayo.
STAR / File

MANILA, Philippines —  Tatlo ang nasawi habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan kahapon ng madaling araw sa Brgy. Talisay, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Leo Montecalbo, Angelou Palacio at Guillermo Catamco habang ang mga sugatan ay sina Nasser Lominog, Lenie
Dizon, Sandy Reyes,  ean Cabacus, Rex Canete, Eric Atienza at Roshan Pelayo.

Ayon sa Tiaong Police, ganap na alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Maharlika Highway sa Brgy. Talisa,  Tiaong, kung saan sangkot ang  isang SUV, isang pam pasaherong bus at isang van.Lumilitaw na patungo umano ng Bicol ang SUV at van nang pagdating sa Brgy. Talisay sa nasabing bayan ay biglang nag-overtake ang van at nakasalpukan ang pampasaherong bus.

Sa lakas ng impact, wasak ang dalawang sasakyan na nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng mga sakay nito.

Nabatid na accident prone area ang lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Inaalam pa ng awtoridad kung ang nabanggang sasakyan na van ay colorum. Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang walong inmates na tumakas sa custodial facility ng pulisya sa San Jose Del Monte City Jail (SJDM) ng lalawigang ito kahapon ng madaling-araw.

vuukle comment

TATLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with