^

Metro

FL Liza Marcos, dumalaw sa Bilibid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
FL Liza Marcos, dumalaw sa Bilibid
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., isinagawa ang pagbisita kasabay ng programang may temang “Kulay, Kalinga, Katarungan at Kalayaan” na naglalayong itaguyod ang kapakanan, karapatan at rehabilitasyon ng mga bilanggo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dumalaw si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos sa New Bilibid Prison nitong Martes upang suportahan ang mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan at matulungan ang mga persons deprived of liberty (PDLs).

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., isinagawa ang pagbisita kasabay ng programang may temang “Kulay, Kalinga, Katarungan at Kalayaan” na naglalayong itaguyod ang kapakanan, karapatan at rehabilitasyon ng mga bilanggo.

Kabilang sa mga aktibidad ang painting lessons, libreng legal assistance, PagLaya Programme, dermatology medical mission at Katarungan Caravan.

Dinaluhan din ang aktibidad ng mga kinatawan ng Department of Justice, hudikatura, Integrated Bar of the Philippines, iba pang ahensiya ng pamahalaan, mga abogado, medical professio­nals, volunteers at pribadong sektor, kasama sina Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda at Commission on Audit Chair Gamaliel Cordoba.

Samantala nasa 43 persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya sa ilalim ng programang Bilis Laya.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with