Pumping stations sa Maynila, bantay-sarado sa PCG
Talamak na nakawan
MANILA, Philippines — Magde-deploy ng mga armadong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) upang bantayan ang anim na pumping station sa Roxas Boulevard kasunod ng panibagong insidente ng pagnanakaw ng mga kagamitan sa Diokno Pumping Station sa Pasay City.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, tatlong suspek ang inaresto matapos umanong nakawin ang mga kable at electronic equipment na nagkakahalaga ng P183,000. Dalawa sa mga ito ay empleyado ng contractor ng proyekto, habang ang isa ay residente sa lugar. Pinaghahanap pa ang isa nilang kasamahan na nakatakas.
Inatasan ni Dizon ang contractor na palitan ang mga ninakaw na kagamitan nang walang gastos sa pamahalaan dahil dalawa sa mga suspek ay sarili nitong mga empleyado.
Nagbabala ang kalihim na maaaring hindi gumana ang pumping station kapag kailangan ito sa panahon ng bagyo o malakas na ulan, na posibleng magdulot ng pagbaha sa Pasay at kahabaan ng Roxas Boulevard.
- Latest




















