^

PSN Palaro

Eala balik-ensayo agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala balik-ensayo agad
Alex Eala

MANILA, Philippines — Tapos na ang kampan­ya ni Alex Eala sa Asian Games sa Nagoya, Japan.

Ngunit wala pa rin itong tigil sa ensayo doon upang masigurong nasa magandang kundisyon ito bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik sa WTA Tour.

Nakalinya ang ilang torneo kay Eala sa mga susunod na linggo kung saan darayo naman ito sa China para sa dalawang WTA events.

Kaya naman kahit nasa Japan pa, tuloy pa rin ang ensayo nito.

Sa katunayan, bago ang awarding ceremony ng women’s singles tennis event, sumalang sa ensayo si Eala sa Nagoya.

Sa ngayon, balik sa pukpukang ensayo si Eala upang maplantsa ang mga kailangan pang ayusin sa kanyang laro.

Maraming natutunan si Eala sa kanyang kampan­ya sa Asian Games kaya’t wala itong pinagsisisihan sa kanyang mga naging desisyon.

Nakatakda sanang maglaro si Eala sa China Open na kasalukuyang ginaganap sa Beijing na isang mandatory event para sa mga WTA players.

Subalit mas pinili nitong maging bahagi ng Team Philippines sa Asian Games sa kabila ng naka­ambang penalty.

Unang sasalang si Eala sa Wuhan Open sa China na idaraos sa Oktubre 12 hanggang 18.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with