^

Bansa

VP Sara, Mans Carpio may 51 baril

Gemma Garcia, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
VP Sara, Mans Carpio may 51 baril
Composite image shows Vice President Sara Duterte as seen in June 2026 and her husband, Mans Carpio, in April 2026. Duterte office.
The STAR / Miguel de Guzman; Philstar.com composite

MANILA, Philippines — Umaabot sa 51 mga baril na nagkakahalaga ng mahigit P7 milyon kabilang ang mga automatic rifles ang pag-aari nina Vice President Sara Duterte at mister nitong si Atty. Manases “Mans” Carpio.

Sa pagsalang ng testigo ng prosekusyon na si P/Major Joe Rickson Sangalang, Records Division Chief ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO), apat sa pag-aaring baril ng mag-asawa ay Class A light weapons.

Ayon kay Sangalang, 22 sa nasabing mga armas ay nakarehistro kay VP Duterte at 29 kay Carpio.

Iprinisinta ni House prosecutor at San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora ang nasabing records bilang bahagi ng kaso ng prosekusyon sa ilalim ng Article II ng Articles of Impeachment hinggil sa hindi maipaliwanag na kayamanan ni VP Duterte.

“Si Vice President Sara po ay merong 22 firearms. Meron po siyang 14 na pistols, two revolvers, five rifles, of which tatlo po doon ay Class A light weapons, and isa pang shotgun,” saad ni Sangalang sa kaniyang testimonya.

Si Carpio ay ?may 16 pistols, dalawang revolvers, isang shotgun at 10 rifles kabilang ang isang Class A light weapon. Isa sa mga armas nito ay expired na ang rehistro.

Inihayag ni Sangalang na si VP Duterte at Carpio ay kapwa may Type 5 licenses para magkaroon at magmay-ari ng mga armas na nagpapahintulot sa mga sertipikadong gun collector na magtaglay ng mahigit sa 15 rehistradong firearms.

Kinumpirma ni Sangalang na ang tatlong Class A light weapons na nakarehistro kay VP Duterte ay automatic na nangangahulugan na kapag kinalabit ang gatilyo ay sunud-sunod na ang putok ng nasabing armas.

Ayon pa sa opisyal base sa FEO records, ang kasalukuyang market value ng armas ng mag-asawa ay nagkakahalaga ng P7,220, 370 — P2,184,550 kay VP Sara at P5,035,820 sa mister nito.

Iginiit naman ni House lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na hindi ang dami ng baril ni VP Duterte ang isyu kundi kung ­naideklara ba ang mga ito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). 

“Ang tanong dito ay kung naideklara ba o hindi, dahil nauunawaan natin na ang mga baril ay mga ari-arian din na kailangang ideklara, 22 man iyan, 29, o 51,” ani Luistro sa isang press briefing matapos ang paglilitis.

Ayon kay Luistro, ­ipinrisinta ng prosekus­yon ang mga rekord ng mga baril upang malaman kung isinama ang mga ito sa mga idineklarang ari-arian ni Duterte sa kanyang SALN.

Binanggit din ng prosekusyon ang 2025 guidelines sa SALN na nag-uutos na ideklara ang mga baril. Ngunit iginiit ng depensa na hindi ito maaaring iaplay sa mga SALN na inihain bago ang 2026.

Ani Luistro, kahit pa ganoon, dapat maipaliwanag ni Duterte kung saan niya idineklara ang mga baril sa kanyang mga naunang SALN.

Samantala, hindi naman nagsagawa ng cross examination kay Sangalang ang defense counsel ni VP Sara matapos na maestablisa na ni presiding officer Francis Escudero na nasa P7.2 milyon ang halaga ng mga armas base sa market survey ng PNP-FEO at hindi pang aktuwal na halaga ng bilhin ang mga ito ng mag-asawa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with