^

Bansa

2 Pinoy tourist nasawi sa Germany bus crash

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 Pinoy tourist nasawi sa Germany bus crash
Bavaria, Germany, as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

MANILA, Philippines — Dalawang Pilipino ang nasawi sa isang aksidente sa bus sa Bavaria, Germany.

Sa ulat ng Philippine Consulate General sa Frankfurt nitong Linggo ng gabi, sakay ng bus ang 33 turistang Pilipino na bumiyahe mula Milan patungong Munich nang maaksidente ito sa S96 highway malapit sa Buchloe, kanluran ng Munich.

Hindi naman nasaktan sa nasabing aksidente ang dalawang Italyanong driver ng bus.

Lumalabas sa ulat na patungo ang bus sa isang event para sa Octoberfest, ang pinakamalaking beer festival sa mundo.

Sa pahayag ni Martin Cornils, tagapagsalita ng pulisya sa Fürstenfeldbruck, dakong alas-5:41 ng umaga nang mangyari ang aksidente.

Isang Italian tour bus na may humigit kumulang na 35 sakay, karamihan ay mga Pilipino ang bumibiyahe mula Milan patungong Munich para sa Octoberfest nang bigla itong lumihis sa kalsada at tumilapon sa mga halamanan bago tuluyang bumaliktad.

Sinabi ng konsulado na patuloy silang nakikipag- ugnayan sa ilang mga pasahero na naapektuhan at sa kanilang mga pamilya habang inaalam ang pagkakilanlan ng lahat ng mga sakay ng bus at inaalam na rin ang kanilang kalagayan sa mga ospital.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang konsulado sa pamilya ng mga nasawi.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with