Backrider pisat ang bungo sa trak

MANILA, Philippines — Patay ang isang misis na front desk specialist matapos magulungan ng isang trak na kasunod ng mga ito makaraang sumemplang ang sinasakyang motor habang bumabaybay sa kahabaan ng Centenial Road Brgy. Pag-asa 3 Imus City, Cavite.
Sugatan ang driver ng motor na kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan na kinilalang sa alyas “Izee,” 32-anyos, inventory assistant, mister nang namatay na biktima residente ng Tanza Cavite.
Dead-on-the-spot ang misis nito na naka-backride, kinilala sa alyas “Mika,” 31-anyos, Front desk specialist, residente rin ng Tanza Cavite.
Base sa ulat ng pulisya, alas-5 ng madaling araw nang maganap ang insidente, lulan ang mag-asawa ng Yamaha Aerox at bumabaybay sa lugar nang sumemplang ang mga ito.
Pagkasemplang sumadsad ang mag-asawa at napagitna sa kalsada ang biktima dahilan upang magulungan ito ng paparating na trailer truck na minamaneho ni alyas “Ariel,” 42-anyos.
Napuruhan sa ulo ang biktima na dead-on-the-spot sa insidente habang inoobserbahan sa pagamutan ang mister nito.
Hawak ng pulisya ang driver ng trailer truck at nahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide, Physical Injury, and damage to property.
- Latest



















